KAYA pala naman lumayas ang tinatawag ngayong “Mr.Universe” na si Clint Bondad sa dating noontime show na kanyang sinalihan, talagang nauubos ang oras niya at napapabayaan niya ang negosyong siya naman pinagkukunan niya ng kabuhayan.
Isipin ninyo, halos tatlong araw sa isang linggo ang commitment, kasama na roon ang recording, rehearsals, at kung ano-ano pa bukod sa actual show, at magkano lang naman ang talent fee roon. Eh ang nawawala sa kanya sa negosyo niya, milyon.
Kaya pala pagkatapos niyon, nakikita na namin si Clint na nagco-co-host na ng Unang Hirit. At least kahit na gumigising siya ng madaling araw, aba eh hindi ganoon kabigat ang trabaho, at bayad naman siya araw-araw. Hoy malakas ang batak niyang si Clint ha, kahit na hindi pa niya syota si Catriona Gray.
HATAWAN
ni Ed de Leon