Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jessy, handa nang maging ina… pagpapakasal kay Luis, ‘di pa handa?

PAGIGING ina na ng mga magiging anak nila ang pinag-uusapan ngayon nina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Hindi kasal, kundi pagkakaroon ng mga anak!

Mukhang balak nilang magkaanak muna bago magpakasal—kung magpapakasal nga.

Mas madali kasi ang magkaanak kaysa magpakasal. Lalo na kung sa simbahahan ang kasal, napakaraming preparasyon ang kailangan kaysa magsiping na lang muna at maghintay na magka-baby after eight months.

Sa vlog ni Jessy naganap ang pag-uusap ng mag-sweetheart. Vlog lang ‘yon ni Jessy habang nasa Okinawa, Japan sila. Bale sumali lang ang host ng Minute To Win It sa vlog ng real-life sweetheart n’ya.

Nag-staycation lang sila sa Okinawa, na roon naninirahan ang isang kapatid na babae ni Jessy na may asawa’t pamilya na.

Kauna-unahang vlog post ni Jessy ‘yon at sa ilang segments ay nakatutuwaang kargahin ng aktres ang pamangkin n’yang si Jasmine (na anak ng kapatid ni Jessy na si Pam). Tuwing kinakarga ni Jessy ang bata, nakakatuwaan ding pabirong tinatanong ni Luis si Jessy kung handa na ba itong maging ina na rin—para magkaroon ng playmate si Jasmine?

Biro ni Luis sa isang punto ng vlog: “Ready na si tita [patungkol kay Jessy ]. Call us in nine months we’ll have a surprise for you!” ‘Di ba pagdadalantao at panganganak ang pinatutungkulan ni Luis?

Sa isang segment pa rin ng vlog, habang naglalakad sila sa isang pineapple farm, tinanong ni Jessy si Luis kung ano ang nai-imagine nito?

Tugon ng anak nina Vilma Santos at Edu Manzano: “Yup, ‘yun na ‘yun. In two months, dala ko ‘yung baby bag, dala mo si Emma (their future baby), that’s basically it.”

May isang parte rin ng vlog na deretsahang tinanong ni Luis si Jessy kung handa na ba talaga ito na maging ina? Seryosong sagot ni Jessy: “I am ready with you. I’m always ready with you. As long as it’s with you.”

Sa maraming bahagi rin nga pala ng vlog na yon “mother of my children” ang tawag ni Luis kay Jessy.

A few months from now, mapabalita na kayang buntis na si Jessy? Pumapayag na kaya siyang masira ang napakagandang korte ng katawan n’ya na pinaghirapan n’ya nang husto na matamo?

Parang wala namang kaso kung magdalantao man si Jessy nang ‘di pa kasal. O ‘di na makasal kailanman. Very acceptable na naman ngayon sa mga career woman ang maging single parent. Sa mga babae lang na walang reliable career na breadwinners pa ng pamilya ang maging single parent.

Kamakailan, ipinahayag ng ina ni Luis na umaasa siyang magpapakasal na ang panganay n’ya para magkaapo na siya. Pero magiging masaya na rin naman siguro siya pag nabalitaan n’yang nakabuntis na rin si Luis finally.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …