MUKHANG wala ng pag-asa ang mga tomboy na nag-asawahan, na magkaroon ng anak. Ang laki pala ng gastos niyang tinatawag nilang “in-vitro fertilization.” Bagama’t may gumagawa na pala niyan dito sa Pilipinas, magastos pa rin.
Iyong paghahanda pa lamang sa babaeng magiging ina, magastos na. Iyon lang mga gamot at iyong “handling,”
Ibig sabihin simula sa paghahanda hanggang sa makuha sa kanya ang binhi, aba eh, umaabot na pala ng 400 libo more or less. Wala pa riyan ang pagkukunan naman ng “sperm” o binhi ng lalaki. Kung pareho silang tomboy, kailangan nila ng isang lalaking “sperm donor” at may kamahalan din iyon. Tapos paghahaluin ang dalawang iyon at hahayaan muna sa laboratoryo. Kung tama na ang panahon, ibabalik ang “fertilized egg” sa sinapupunan ng babae. Kung magtutuloy ang pagbubuntis niya, magbabayad pa siya ng mga P800,000. Kung hindi naman magbubuntis agad, maaaring gamitin ang nasobrang fertilized egg, maaaring ilagay iyon ulit sa sinapupunan ng babae. Ang matitipid lamang nila ay iyong paghahanda, dahil oras na mabuntis bayad ulit sila ng P800,000.
Aba eh mahigit na P1-M pala ang kailangan, at wala pang katiyakan kung talaga ngang mabubuntis ang babae. Isa pa, paanong masasabing anak nilang dalawa iyon eh mayroon pa rin namang isang sperm donor na nagbigay din ng kanyang binhi? Eh ‘di may kasosyo rin silang lalaki.
Iyan nga ang dahilan kung bakit kahit na sa abroad ay hindi masyadong ginamit iyang IVF, kasi nga lumalabas na bukod sa magastos, hindi pa rin masasabing anak lamang ng mag-asawang lesbian ang kanilang naging baby. Iyong mga lalaki namang beki, walang ganyang ilusyon. Karamihan sa kanila ay kuntentong mag-ampon na lamang.
HATAWAN
ni Ed de Leon