Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Perci Intalan, wish maging R-16 ang rating ng Born Beautiful

PATOK na patok sa mga manonood ang Standing Room Only screening ng pelikulang Born Beautiful sa Cine Adarna ng UP Diliman na ginanap last Friday. Kaya naman sobrang happy ni Direk Perci Intalan sa kanyang latest movie na tinatampukan ni Martin del Rosario with Kiko Matos, Akihiro Blanco, Chai Fonacier, Lou Veloso, Elora Espano, VJ Mendoza, at ang Die Beautiful star na si Paolo Ballesteros na may special par­ticipation sa movie.

After ng screening ay nilapitan namin si Direk Perci para i-congratulate dahil sobrang nakaaaliw at sobrang matapang ang kanyang pelikula.

Saad niya, “Nagpapasalamat ako kasi iyon ang pinangarap ko na sana ay ma-appreciate ng mga tao. Kasi, alam namin ang ginagawa namin, alam namin na sobrang daring ng material. Pero importanteng masabi ang kuwento, kasi ang ganda ng message e, ang ganda-ganda talaga ng mensahe sa dulo na huwag mong husgahan ang sarili mo. Kasi nagagalit ka kapag hinuhus­gahan ka ng iba, e. Pero actually, hinuhusgahan mo ang sarili mo… may karapatan kang maging masaya.”

Ipinahayag din niya ang labis na pasasalamat sa mahabang pila sa kanilang pelikula sa uncensored screeening nito sa UP.

“Nakaka-overwhelm kasi ang dami ng tao. Ilang beses na naming sinabi na wala nang ticket pero ayaw pa rin nilang umalis at nagbaba­kasakaling payagan pang magpapasok. Actually, SRO na… noong una hindi kami ina-allow e, ayaw nila. Naglagay na ng monoblock chairs sa gilid tapos pumayag din na magpatayo na sa likod, siguro mga 30 tao pa iyong nakatayo, so we’re thankful sa UP.

“I think nakapagpapasok pa kami ng 50 katao. Pero marami pa ang naiwan sa labas na hindi nakapanood,” esplika ni Direk Perci.

Sa panayam namin sa kanya, nabanggit ni Direk Perci ang paghihinayang sakaling manatili ang R-18 rating ng Born Beautiful.

“Nagpapasalamat kami na-realize nga nila, kasi unique nga talaga ‘yung circumstances, e. Kasi sinasabi ko na sa January 23, isa lang ang Filipino film na magbubukas, itong Born Beautiful. Ang Born Beautiful ay R-18 ang rating, so, may isang malaking cinema chain na hindi mag­pa­palabas ng Filipino film na bago, ng January 23 hanggang the whole week.

“So sa January 23, ibig sabihin, for the first time in a long time – I think in history, walang Filipino film na magbubukas sa kalahati ng mga sinehan sa Filipinas. Can you imagine iyong impact niyon? So sa akin lang, sayang na walang (ibang) Filipino film na maipapalabas sa ganoon karaming sinehan.

“So, parang sayang… kaya, sayang kasi ang R-18 to R-16 ang liit lang e, ang liit lang ng hinihingi naming adjustment sa rating. So, sana ay mapagbigyan.”

Willing ba siya na may ma-cut sa movie niya? “Alam mo, dahil … language ang sinabi nila, iyong mga bleeps lang ang natitira, e, iyon na lang talaga, e. So, kaya sabi ko nga, baka worth reviewing it again,” aniya na earlier ay nabanggit na nag-self-censorship sila at nilagyan ng bleep ang ilang mga salita na maaaring vulgar ang dating sa ibang audience.

Pahabol pa niya, “Ayaw kong pangunahan ang MTRCB, all I know is that they are open for dialogue. May nagsabi lang sa akin na I should reach out and try, baka lang sakali.”

Ano ang gagawin nila para maging R-16 ang Born Beautiful? “Sa pagkakaalam ko, wala naman silang sinabi na may puputulin, ang nakasulat lang ay ‘yung language.”

Ang Born Beautiful na hatid ng Cignal Entertainment, Octobertrain Films at ng The IdeaFirst Company ay mapapanood na sa mga sinehan sa January 23.

Ito ay sequel ng blockbuster at award-winning movie starring Paolo na Die Beautiful ni Direk Jun Lana. Makikita rito ang pagpapatuloy ng karakter ng BFF ni Trisha (Paolo) na si Barbs Cordero (Martin) na matapos mamatay ang kaibigan ay naging taga-make up ng mga patay sa Happy Ending Funeral Homes.

Kaabang-abang ang mahuhusay na pagganap ng mga artista nito, pati na ang mga mapangahas at nakakikiliting eksena rito nina Martin & Kiko at Martin & Akihiro. At siyempre, ang special guest appearance ni Dabarkads Paolo na pasabog talaga!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …