Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kiko, palaban sa lips to lips at tongue to tongue kay Martin sa Born Beautiful

MARAMI na ang nag-aabang sa pelikulang Born Beautiful na tinatampukan ni Martin del Rosario. Pinamahalaan ni Direk Perci Intalan, ito ay hatid ng The IdeaFirst Company, Cignal Entertainment at OctoberTrain Films, at mapapanood na sa January 23.

Sequel ito ng hit movie at award-winning film na Die Beautiful na pinagbidahan ni Paolo Ballesteros. Dito ay may special participation si Dabarkads Pao.

Bukod kay Martin, tampok din sa Born Beautiful sina Kiko Matos, Akihiro Blanco, Chai Fonacier, Lou Veloso, at iba pa.

Incidentally, bago ang nationwide showing nito ay magkakaroon muna ng special one-time-only uncensored version screening ang Born Beautiful sa UP Cine Adarna (UP Diliman) sa January 18, 7pm. Dadalo sa event sina Direk Perci at Direk Jun Lana kasama ang cast ng pelikula.

Nakapanayam namin si Kiko, at inusisa namin kung sa tingin niya ay mag-e-enjoy ba ang mga gay sa movie nila? Dahil ang istorya nito ay tungkol sa gay at dahil balita ang maiinit na eksena nila ni Martin?

“Well, ang movie na ito… well, I’ll talk about the uncensored version, kasi ‘yung uncensored napakatapang na pelikula, ang dami naming isiningit na mga usapang di napag-uusapan sa cinema or sa TV. Ang dami naming jokes na mapapanood dito at siyempre ‘yung mga daring scenes namin,” pahayag ni Kiko.

Mas matindi ba iyong eksena nila rito ni Martin sa Glorious nina Angel Aquino at Tony Labrusca?

“Well hindi ko pa po napapanood ‘yung Glorious, kaya ‘di ko made-describe. Pero ang masasabi ko, matindi ‘yung ginawa namin dito, lips to lips, tongue to tongue…Ganoon kalupit ang mapapanood nila sa movie. Bigay-todo kami pareho ni Martin dito,” nakangiting saad ni Kiko.

Dagdag niya, “Challenge sa akin ang pelikulang ito, lalo ang daring scenes namin ni Martin.”

Paano kung ang moviegoers, ang gustong mapanood ay uncensored version? “I think The IdeaFirst Company would have to think of a strategy on how to show the uncensored version,” saad niya.

Ano ang pakiramdam niya na marami na ang excited mapanood ang Born Beautuful? “Well, overwhelming. Ang dami kong pelikulang ginagawa at hindi lahat ay napapansin. Tapos itong Born Beautuful, ilang weeks pa lang inilabas ‘yung trailer, hundreds of thousands of views na agad. So, parang ina-anticipate na ng mga tao. Kaya nakatataba ng puso at excited na akong mapa­nood ang movie, kasi hindi ko pa rin napa­pano­od, e,” ma­sa­yang sambit ni Kiko.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …