Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Erika Mae Salas, labas na ang single na Ako Nga Ba

MAPAPAKINGGAN na ngayon ang latest single ng talented na recording artist na si Erika Mae Salas. Excited na ibinalita ito sa amin ni Erika Mae,

“Sa ngayon po iyong single ko na Ako Nga Ba ay available na sa lahat ng digital forms under Viva Records po. Kasama po ito sa offi­cial soundtrack album ng Spoken Words at labas na rin po sa Youtube Channel ko ang music video nito,” pahayag ng dalagita.

Paano niya ide-describe ang kanyang music video? Sino ang nagdirek nito at sino ang mga nakasama niya rito?

“Halos short film nga po dahil kulang iyong song sa dami ng eksena. Isinama na lang po ang mga important scenes. Gumamit din po kami ng drone dito sa MV. Very thankful po ako kina kuya Dhondhon Parillas na siyang make up artist at director po ng MV at kay kuya Alfy Abrezonsa na siyang videographer at nag-edit na rin. Ang partner ko po rito ay si John Patrick Picar.

“Siyempre nagpapasalamat po ako sa parents ko po na kahit pagod, they are always there for me. Pati sa Beautyzone family ko po na laging handang sumuporta sa akin. Marami pong eksena na hindi nakasama sa music video. Mga classmates ko po talaga ang mga students na kasama ko, very thankful po ako at sobrang supportive nila pati director at principal po namin na ini-allow kaming gamitin ang premises ng school,” wika ni Erika Mae.

Ito na ang second single ni Erika Mae at very soon ay mapapanood din siya sa pelikulang Spoken Words. Although ayon sa kanya ay mas nag-e-enjoy siya singing dahil doon daw siya mas na-e-expose talaga.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …