Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maricel Soriano Arjo Atayde Sylvia Sanchez
Maricel Soriano Arjo Atayde Sylvia Sanchez

Sylvia Sanchez, proud kay Arjo sa papuri ni Maricel Soriano

PROUD na proud ang batikang aktres na si Ms. Sylvia Sanchez sa anak niyang si Arjo Atayde. Marami kasi ang pumupuri sa husay sa acting ng tisoy na aktor.

Nabanggit nga sa amin recently ni Ms. Sylvia na pati ang Diamond Star na si Maricel Soriano ay humanga sa ipinakitang husay ni Arjo. Gumaganap na mag-nanay sina Arjo at Maricel sa teleseryeng The General’s Daughter na pinagbibidahan ni Angel Locsin.

Panimula ni Ms. Sylvia, “Si Arjo, lalabas na ‘yung General’s Daughter nila, soon. And excited ako rito kasi autistic siya roon. So ibang role na naman ito kay Arjo. From kontrabida to mabait na anak sa Hanggang Saan, tapos to autistic, tapos RomCom nila ni Jessy (Mendiola na Stranded), which is palabas na sa February yata? Tapos ‘yung Tol na comedy, ang bida ay siya, si Ketchup, ‘tsaka si Joross (Gamboa).

“So natutuwa ako kay Arjo kasi iniikot niya… comedy, drama, kontrabida, RomCom, na never kong na-experience. Pero natutuwa ako ngayon kay Arjo, kasi, kapag nakapasa lahat si Arjo – sa comedy, magaling siya roon, tapos magaling siya sa RomCom, kompleto siya, ‘di ba?

“Sobrang proud ako sa mga anak ko. Sobra! Gusto kong mas sumikat pa sila sa akin.”

Pahabol pa ni Ms. Sylvia, “So, sa General’s Daughter autistic siya na anak ni Maricel Soriano… Na sinasabi nila, even Maricel Soriano called ha, ‘Watch out! Ang galing ng anak mo!’ Sinasabihan ako ni Maricel, ‘Watch out, ang galing galing ni Arjo!’ Sabi niya, ‘Kung pinag-usapan si Joaquin (karakter ni Arjo sa Probinsyano), mas pag-uusapan ito.’

“Tapos sabi pa ni Maria sa akin, ‘Umiiyak ako sa eksena, parang ‘pag si Arjo ang kaeksena ko, hindi ko alam kung saan pupunta ang mga luha ko.’ Kung ilan ang pumapatak dahil sa galing daw ni Arjo. ‘Yun ang sabi sa akin from Maricel mismo. So, nakaka-proud, Maricel Soriano ‘yun e, you know? As in, hindi nangbu-bullshit ‘yun… Kapag ayaw niyon, sasabihin, ‘Ang pangit ‘no?’ Who would’ve thought na, ‘di ba? Anak ko, hahangaan ni Maricel Soriano, hahaha!”

Aniya pa, “Tapos niloloko ko nga, sabi niya, ‘Huwag na tayo maglokohan, magaling ka talaga, magaling ka talaga, pero Arjo is beyond our level.’ Sabi iyan ni Maricel. Sabi ko, ‘Anong beyond our level, Nay? Sa akin siguro mas magaling ang anak ko, hindi sa iyo.’ Sabi niya, ‘Hindi ba sinabi ko nga, beyond our level. Ano bang ibig sabihin ng our sa your? Sinabi ko bang your? Sabi ko our, beyond our level. So, mas magaling sa atin.’

“First time ko lang siyang naringgan ng, ‘Kung tatanga-tanga akong artista, lalamunin ako ni Arjo.’ Kaya ako, siyempre parang, ‘Thank you Nay, thank you.’ Puro thank you lang ang nasabi ko sa kanya,” masayang saad ni Ms. Sylvia.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …