Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Newcomer na si Uno Santiago, introducing sa pelikulang Jesusa

SI Uno Santiago ay isang newbie actor na mapapanood sa pelikulang Jesusa. Ang naturang proyekto ay pinagbibidahan ng award-winning actress na si Ms. Sylvia San­chez.

Ang gu­wapitong new­comer ay talent ni Daddy Wowie Roxas, siya ay 19 years old at nag-aaral sa UCI sa Ame­rika ng kur­song Busi­ness Management.

Nagkuwento si Uno sa pagsabak niya sa showbiz, “Nakapasok po ako sa showbiz through Daddie Wowie po. Nagwo-workshop po ako ngayon under direk Connie Macatuno and may movie po akong ginagawa ngayon, introducing po ako sa movie na Jesusa starring Ms. Sylvia Sanchez and directed by Direk Ronald Carballo.”

Ano ang role niya sa movie? “Ako po ‘yung gagabay kay Jesusa sa reha­bilitation. Si Ms. Sylvia Sanchez po ang lagi kong kaeksena sa movie,” esplika ni Uno.

Hilig niya ba talaga ang mag-artista? “I’ve always wanted to be an actor po since I was little,” sambit pa niya.

Sino ang idol niyang artista and ano’ng role ang gusto niyang magampanan in the future?

Pahayag niya, “Bale, ang idol ko po ay si Mr. Albert Martinez. Idol ko siya dahil sobrang versatile niya po talaga. Sobrang galing niya po mag-convey ng emotion. Sobrang totoo siyang tingnan or panoorin.

“Sa role naman po, gusto ko pong sumabak sa action and sa romance. Plus, iyong mga role na pang-heartthrob po,” nakangiting pakli ni Uno.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …