MARAMING mga tagahanga ni Julie Ann San Jose ang na-sad sa kinahantungan ng relasyon nito kay Benjamin Alvesna sinasabing nagtapos bago mag-2018.
Ramdam ng mga tagahanga ni Julie Ann na may pinagdaraanan ito nang mag-post sa social media ng, ”I had a rollercoaster year. It wasn’t bad, it was actually pretty good. 2018 for me was aout staying afloat – all the ups and downs, losses and gains, successes and failures – I guess that’s the beauty of life.
Dagdag pa ni Julie Ann, “Just grateful for the moments that me gentle lessons’ humbled by the times that rattled my bones.”
At kahit nga hindi successful ang lovelife ni Julie Ann, successful naman ang career na dalawa ang regular show, angSunday Pinasaya at Studio 7, bukod pa sa panalo rin ang kanyang singing career.
Umaasa nga ang mga tagahanga ni Julie Ann na ngayong 2019 ay matatagpuan na nito ang kanyang Prince Charming na mamahalin siya at mas maging bongga pa ang kanyang career.
MATABIL
ni John Fontanilla