PATULOY ang magandang takbo ng showbiz career ni Ria Atayde. After ng MMFF na pinuri ang kanyang mahusay na pagganap sa entry nilang The Girl In The Orange Dress na pinagbidahan nina Jericho Rosales at Jessy Mendiola, ngayon ay balik na ulit si Ria sa taping ng TV series nilang Halik.
Available na rin sa iWant TV ang digital TV series nilang High ni Direk Dondon Santos na tinatampukan nila nina Markus Paterson, Sammie Rimando, Lara Quigaman, Christian Morones, Justine Cuyugan, at iba pa.
Esplika ni Ria, “Digital series po ito, eight episodes series po. Bale every Saturday, mayroong four episodes po na mapapanood. Ang title ay High, para siyang ‘yung movie na Nerve, ‘yung kay Emma Roberts, Dave Franco, pero may pagka-Taken na part.”
Dagdag niya nang makapanayam namin last Friday, “I think at midnight they will launch it. Parang Netflix po siya… Bale, kapatid ako ni Markus dito and I joined High challenge.”
Parang may pagka-thriller ba ito? “Opo, medyo… It’s about an internet challenge that went wrong, ‘yung akala nila, tama ‘yung alam nila pero mali pala.”
How was it working with Jericho? “Amazing. I love working with him. My newest favorite workmate. Nag-two months kaming halos araw-araw nagkikita dahil sa Orange Dress and Halik. And sobrang generous niya, mabuting actor,” aniya.
May natutuhan din ba siya kay Echo sa acting? “You know, it’s more of the subtle stuff that I learned from him. Tsaka, how I should approach my career and my acting sometimes.”
Anong goals niya this 2019?
Wika ng magandang anak ni Ms. Sylvia Sanchez, “Workwise, sana I have three movies this year, after like another show.”
Nabanggit din niya ang kanyang New Year’s resolution. “Buy more from local brands. As in ‘yung mga local na hinahabi, ganyan… and siguro be a little bit more passive, instead of passive-aggressive, passive na lang.
“Bakit? Wala lang… I feel like I care too much about a lot of things and I don’t wanna care anymore, nakaa-affect siya sa mental health ko,” nakangiting sambit ni Ria.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio