Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dennis Trillo Julia Montes
Dennis Trillo Julia Montes

Dennis, na-inspire pa lalo sa pag-arte; Julia, hinahanap (Imelda, naiyak nang kumanta ang anak na si Maffi)

PARANG hindi makapaniwala si Dennis Trillo na pagkaraan ng 14 years, makasusungkit uli siya ng Best Actor award sa Metro Manila Film Festival.

Nawala ang lagnat ng actor noong may magpadala ng mensahe sa kanya na panalo siya ng best actor award. Pero ibig linawin ng iba na hindi tinalo ni Dennis si Eddie Garcia dahil Hall of Famers na siya.

Tiyak lalong mai-inspire si Dennis sa teleseryeng Cain at Abel na matindi ang kanyang role, hindi papogi-pogi lang.

Imelda, naiyak nang kumanta ang anak na si Maffi

DUMATING si Maffi Papin galing ng New York na nag-aaral ng pagka-abogasya para lang dumalo sa Christmas party ng KAPP na ang kanyang inang si Imelda Papin ang pangulo.

Nagparinig ng isang kanta si Maffi na ka-duet ang ina na halos kasing husay kumanta ni Mel. Halos maluha si Mel dahil sa galing kumanta ang kanyang nag-iisang anak.

Pagod na pagod si Mel noong Christmas party ng actors guild na dumating si Ricardo Cepeda, VP ng KAPP. Katuwang din si Amay Bisaya sa pamimigay ng hamon sa mga miyembrong dumalo.

Nakaka-touch tingnan ang mga kapatid sa showbiz kasama ang mga anak nilang nakahilera para sa bigay na Pamaskong regalo. Isinakripisyo ni Imelda ang ibang mga pa-raffle para walang umuwing luhaan.

Bumaha ng pagkain at walang nagutom sa mga dumalo. Tatakbong vice governor ng Camarines Sur si Mel ngayong 2019.

Julia, hinahanap

MAY mga nagtatanong kung bakit parang nawawala sa limelight si Julia Montes buhat nang ma-link kay Coco Martin.

Nasaan na nga ba ang aktres?

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …