SA hirap ng buhay ngayon mapili na ang mga tagahanga sa panonooring pelikula sa Metro Manila Film Festival. Bukod sa mahal ang bayad sa mga sinehan, ang gusto nila’y maaliw at hindi ma-depress. Ayaw nila ng malungkot at walang katorya-toryang pelikula.
Masuwerte si Vice Ganda dahil marami ang sumugod sa sinehan para panoorin ang Fantastika. Bagamat araw-araw nilang napapanood sa TV ang komedyante, gusto pa rin nilang manood sa big screen.
Number one sa takilya si Vice Ganda at pumangalawa ang Jack Em Popoy nina Vic Sotto, Maine Mendoza, at Coco Martin,
Dick, ‘di totoong sinuhulan para umatras sa pagka-VM ng QC
HINDI raw totoong may offer na P100-M kay Roderick Paulate huwag lang tumakbong Vice Mayor ng Quezon City.
Ayon sa konsehal, walang ganoong offer siyang natatanggap at kung mayroon man hindi niya tatanggapin.
Buo na ang pasya ng komedyanteng actor na ituloy ang balak sa pagtakbo bilang vice mayor.
Maganda ang role ni Dick sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang mayor na sinisira ang image ng kontrabidang si Edu Manzano.
Dating perpektong magpatawa sa screen si Dick, ngayon naman biglang seryosong actor.
Alden at Maine, bigo sa paghihiwalay
MARAMI ang nakakapansin na hindi gaanong nagki-klik kapag iba ang kapareha ni Alden Richards gayundin si Maine Mendoza.
Sa Jack Em Popoy, hindi gaanong kinagat ang tambalang Maine at Coco Martin.
Sino ba naman kasi ang maniniwala na silang dalawa ang magsyota gayung ang laman ng peryodiko ay silang dalawa ni Arjo Atayde. Si Alden naman ay hindi rin kinagat na bagay sila ni Janine Gutierrez dahil alam ng lahat na si Rayver Cruz ang boyfriend ng dalaga.
Mahirap nang paikutin ngayon at bolahin ang mga tagahanga.
Pagbabalik ni Angel, kinasasabikan
MABUTI naman at muling mapapanood si Angel Locsin sa The Generals Daughter kasama ang ilang bigating stars ng Kapamilya.
Matagal na ring hindi napapanood sa serye si Angel kaya’t nanabik na silang mapanood ang dalaga.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales