Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marco Gomez, wish sumabak sa action projects

ITINUTURING ni Marco Gomez na sobrang bles­sing sa kanya ang maging bahagi ng Clique V. Isa si Marco sa original member ng talented na all male group. Na-discover siya sa Circle of 10 ng manager nilang si Ms. Len Carillo nang manalo siya rito sa talent competition.

Ang 19-year old na si Marco ay ipinanganak at lumaki sa Vienna, Austria, pero ayon sa binata ay may purong Pinoy blood daw siya.

Si Marco ay mapapanood very soon sa pelikulang Codep, isang advocacy film mula sa pamamahala ni Direk Neal Tan at prodyus ng 3:16 Pro­duc­tions ni Ms. Len. “Iyong movie po, it could be drama, it could be also a love story din. Not only one topic ang mapapanood dito and ipalalabas din (siya) sa iba’t ibang schools.”

Ayon pa kay Marco, kahit baguhan sa pag-arte ay hindi naman daw siya kinabahan sa pelikulang ito. “Hindi naman po, kasi, we’ve been through acting workshops already, months ago. And helpful naman ang aming director at ang mga veteran na co-stars sa movie.”

Wish din niyang sumabak sa mga action projects sa TV series or movies dahil si Marco ay kampeon sa martial arts. Bago siya napasali sa Clique V, nag-audition siya noon sa mga action teleserye, pero hindi siya nakapasa dahil hindi marunong mag-Tagalog. “Nag-audition po ako sa iba’t ibang teleserye, Star Magic, Cinemalaya… pero hindi po kasi ako marunong mag-Tagalog kaya hindi ako nakapasa.

“I did it professionally, actually… I’m into kick boxing at Muay Thai. I also became an Austrian champion sa amin. I did a lot of fighting, mga one hundred plus fights po. First time ko po lumaban when I was fourteen years old.”

Sino ang favorite action star niya? “Sa International, sina Jackie Chan po and Bruce Lee. Sa local, hindi ko pa masyadong kilala talaga, pero sa ngayon ang kilala ko lang ay si Coco Martin.”

Ang iba pang members ng Clique V ay sina Clay Kong, Karl Aquino, Sean de Guzman, Kaizer Banzon, Gabby Villamor, at Calvin Almojera.

Bukod sa pelikulang Codep, maraming projects ang nakalaan sa Clique V, pati na sa Belladonnas. Kabilang na rito ang bagong movie at back to back concert ng Clique V at Belladonas sa Skydome sa February 23 2019.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …