Monday , November 25 2024

Vic at Coco movie, mas kumita kaysa pelikula ni Vice Ganda

TAPOS na ang Metro Manila Film Festival (MMFF), at bagama’t wala pang opisyal na listahang inilalabas ang Metro Manila Development Authority (MMDA), sinasabi na ngang unofficial, undeclared top grosser ang pelikula ni Vice Ganda. Talaga namang hindi na hinihintay iyang sinasabi ng MMDA eh, kasi hanggang maaari gusto nilang mag-delay ng statement para naman makatulong pa roon sa mga hindi kumikita. Kaso may kaibahan ang deklarasyon. Ang naririnig natin ay iyong nationwide gross ng mga pelikula. Ang opisyal na binibilang lamang ng MMFF ay iyong kita sa mga sinehan sa Metro Manila.

Lamang naman diyan ang pelikula nina Vic Sotto at Coco Martin, dahil Rated A ang pelikula nila, buong-buo ang kita dahil wala silang babayarang amusement tax. Si Vice Ganda ay magbabayad pa ng kalahati sa kanyang amusement tax. Ang masakit, mayroon na ngang hindi na kumita, mapipiga pa ng amusement tax nila,

Marami ang may opinion na mas nagustuhan nila at mas maganda ang pelikula nina Coco at Vic, at sinasabi nilang iyon sana ang maging number one. Pero technically impossible iyan dahil mas maraming sinehan ang pelikula ni Vice. Riyan makikita mo ang kaunting powerplay. Mas malaking distributor kasi ang Star Cinema na siyang distributor ng pelikula ni Vice, kaysa distributor ng pelikula nina Vic at Coco na lumalabas lamang kung festival.

May mga nalulungkot dahil masasabi ngang dalawang pelikula lamang ang kumita nang husto sa festival na natapos. Hindi pa man kasi nagsisimula ang festival, iyan ang inaasahan eh, dalawang pelikula lang talaga ang maglalaban sa takilya. May isa pang factor, mahigit P300 ang naging admission sa festival, natural kung ganyan na kamahal ang sine, manonood na lamang ang mga tao ng isa o dalawang gusto nila. Ang mga nagsasabing napanood nila ang lahat ng pelikula, puro gumamit iyan ng passes, ibig sabihin hindi nagsisipagbayad ang mga iyan sa sinehan. Mga kaibigan lang iyan ng mga taga-MMDA, o ng mga taong may kinalaman sa festival. Hindi magbabayad talaga iyan at hindi manonood kung walang passes. Iyan din ang mga nanonood ng pelikula kung Lunes at Martes, kasi libre ang senior citizens, o umaasa sa MTRCB card nila.

Iyong nagbabayad talaga, ay, hindi iyan manonood ano man ang sabihin ng mga pelikulang nagpo-promote lamang sa Facebook.

About Ed de Leon

Check Also

Arjo Atayde Maine Mendoza Topakk

Arjo itotodo ang lakas sa Topakk

RATED Rni Rommel Gonzales KUNG abalang-abala si Arjo Atayde bilang isang mahusay na aktor at masipag na …

Vilma Santos Aga Muhlach Uninvited

Aga personal choice ni Vilma, magsosolian ng kandila kung ‘di tinanggap

MA at PAni Rommel Placente SPEAKING of Vilma Santos, sinabi  ng  Star For All Seasons na hindi naging …

Nadine Lustre Vilma Santos Aga Muhlach

Nadine sa pakikipagtrabaho kina Vilma at Aga — An oppurtunity of a lifetime

MA at PAni Rommel Placente ISA si Nadine Lustre sa mga bida sa pelikulang Uninvited ng Mentorque Productions. Gumaganap siya rito …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Aktres naunahan ni choreographer kay matinee idol

ni Ed de Leon UMAMIN daw ang isang dating matinee idol na noong araw na nagsisimula pa …

Nadine Lustre

Nadine unfair awayin sa ineendosong produkto

HATAWANni Ed de Leon HINDI maganda ang feedback kay Nadine Lustre na nag-promote ng on line gaming …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *