Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ynez Veneracion, puring-puri ang mentor na si Sylvia Sanchez

PROUD si Ynez Veneracion na sabihing mentor niya ang award-winning actress na si Sylvia San­chez. Marami ang pumuri kay Ynez sa kan­yang naging performance sa tinampukang MMK episode with Loisa Anadlio at Ms. Gina Pareño.

Ayon sa aktres, pinaghandaan talaga ng dating sexy actress ang papel niya rito sa tulong na rin ni Ms. Sylvia. ”Ang ginawa ko, humingi ako ng advice sa aking mentor na si Ms. Sylvia Sanchez. Sabi ko nga naku po ‘yung mga eksena kailangan tala­gang ram­damin mo, kasi pag hindi malalamon ka ng hindi mo alam, maii­wan ka, parang gano­on… Actually, hindi ka naman nila lalamunin, I mean hindi ka nila lala­munin nang sadyang lala­munin ka nila… Actually like Gina Pareño, mapag­bigay ‘yan, nagbibigay iyan.

“Tapos s’yempre ‘yung bawat eksena iisipin mo kung paanong atake ang gagawin mo. Like pag galit ka, sabi nga ni Ate Sylvia, ‘Hindi na uso ngayon ‘yung sigaw ka nang sigaw ha. Dapat eto, dapat ganyan. Diin, puso, isip.’ So noong nandoon ako sa set, si Ate Sylvia ang naiisip ko. Puso, isip, puso, isip…. Mukha akong sira ulo, lakad ako nang lakad… lalo na kapag mabigat na ‘yung eksena. Talagang pinapasok ko talaga ‘yung sarili ko,” mahabang kuwento ni Ynez.

Dagdag ng aktres, “Sa The Greatest Love nga ilan ang awards na nakuha niya? Sampung Best Actress? Kaya lahat ng mga sinasabi niya, talagang iniisip ko. Kasi gusto kong matuto, kasi naniniwala ako at alam ko na kahit na marunong na akong umarte ay marami pa rin akong dapat na matutuhan. Kaya nakikinig ako sa kanya, kasi sabi ko, ‘Ate willing akong matuto.”

“Pero hindi, nagbibigay siya, marunong siyang magbigay sa lahat ng mga kaeksena n’ya. Actually dati sabi ko natatakot ako ninenerbiyos akong maka-eksena siya pero mayroon akong isang artistang kai­bigan, na pina­yuhan ako na, ‘Huwag kang matakot, be yourself, ga­win mo kung ano ‘yung ga­gawin mo kasi si ate Sylvia, nagbibigay ‘yan, di ‘yan marunong manglamon. Nagbibigay ‘yan, ‘pag eksena mo, eksena mo’.”

Idinagdag ni Ynez na sakaling magkasama sila sa pelikula ni Ms. Sylvia, dapat daw na paghandaan niya itong mabuti para maka­sabay sa galing ng kanyang mentor.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …