NABULABOG at posibleng natimbrehan ng ilang tiwaling tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga undocumented Chinese national na naglipana ngayong nalalapit na kapaskuhan sa Baclaran sa kabila na may mga reklamong natanggap ang nasabing ahensiya.
***
Pinagduduhan na posibleng tunay na may mga kumakalinga kapalit nang malaking halaga ng salapi ang natatanggap nang ilang tiwaling tauhan ng nabanggit na ahensiya.
Ayon sa aking impormasyon matagal nang modus operandi ng nasabing ahensiya kaya dumaragsa ang mga negosyanteng Intsik sa Baclaran sa kabila nang walang kaukulang mga dokumento na manatili nang matagal sa bansa. Mistulang bulag at bingi ang nasabing ahensiya dahil kapag araw ng kapaskuhan ay kumakamal sila ng limpak-limpak na salapi.
Nagkalat din ang mga tsekwa na naninirahan sa mga condominum sa paligid ng Mall of Asia na pawang undocumented.
Ayon sa nga nagrereklamong mga lehitimong negosyante sa Baclaran, nakapagtataka na may Business permit at DTI permit ang mga Chinese alien na posibleng gumagamit ng “dummies.”
Sabi ng mga nagreklamo sa pahayang ito, “inutil at pera-pera” ang mga taga-Bureau of Immigration!”
Isumbong mo
kay Dragon Lady
ni Amor Virata