Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim Chiu, kaabang-abang sa pelikulang One Great Love

IBANG Kim Chiu ang masasaksihan sa peli­kulang One Great Love dahil sumabak na siya sa kanyang first mature role rito. Daring na Kim ang mapapanood dito ng lahat, lalo ang mga intimate scenes niya sa dalawang leading men na sina Dennis Trillo at JC de Vera.

Katuwiran ng Kapamilya aktres ay nasa tamang edad na naman siya kaya tumodo na sa kissing scenes niya rito, na may pinag-uusapang bathtub scenes pa kasama ng leading men niya sa proyektong pina­mahalaan ni Direk Eric Quizon.

Tiniyak ni Kim na may mga pasabog na kaabang-abang sa kanilang pelikula. “Tumodo ako rito, kasi for how many years na guma­ga­wa ako ng movies, ito na po ‘yung pina­kamatindi, talagang lumabas ako sa comfort zone ko. Kasi I really want something new na pu­we­de kong i-offer sa lahat ng mga taong sumusuporta sa akin mula noon hanggang ngayon,” sambit niya.

Nagpapasalamat din si Kim dahil na-appreciate nila ang komento at suggestions niya habang ginagawa ang naturang pelikula. Saad ni Kim, “Puwede pala akong pakinggan, kaya ang sarap ng pakiramdam. Mas lalo akong excited na mapanood ang outcome ng movie namin at excited din ako sa magiging feedback ng moviegoers.”

Nabanggit ng aktres na nagpapasalamat siya dahil kahit first time niya pa lang nakatrabaho sina Direk Eric, Dennis, at JC, naging maayos ang kanilang trabaho. Idinagdag ng dalaga na bilib siya sa dalawang leading men niya sa pelikulang ito dahil sa kanilang galing.

“First time ko rin to work with Dennis Trillo and I’m very honored to work with him. Magaling siya, sobrang tahimik lang, pero iba siya kapag umaarte na. Ang husay! Si JC, ngayon ko rin lang nakasama at walang problema, walang aberya ang mga eksena namin. Mahusay din siya,” wika ni Kim.

Ang One Great Love ay mula sa Regal Entertainment na mapapanood na sa Dis­yem­bre 25. Kasama rin sa pelikula sina Miles Ocampo, Marlo Mortel, Nino Dolino, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …