Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ms. Len Carillo, bilib sa talento ng Clique V

GRABE sa saya ang ginanap na Christmas party ng 3:16 Talents and Events ni Ms. Len Carillo. Dito’y nagpakitang gilas ang mga talent nilang Clique V at Belladonas.

As usual, astig sa sayawan pati na sa kantahan ang Belladonas, pero ang highlight ng gabing iyon ay Clique V members na sina Clay Kong, Marco Gomez, Kaizer Banzon, Sean de Guzman, Josh Mirabel, Karl Aquino, Calvin Almo­juela, Gabby Villamor, at Blaise Nicolas sa Ms. Bebot 2018 compe­tition.

Dito ipinakita ng Clique V na may iba pa si­lang talent, bukod sa pag­kanta, pagsa­yaw, at pag-arte. Kasi’y game at todo-bigay sila sa pagrampa na animo mga kontesera sa Ms. Gay na nagpapatalbugan ng alindog.

Nagpatalbugan nga ang siyam na miyembro ng Clique V sa suot nilang national cos­tume, casual wear at long gown com­peti­tion. Pati na rin sa kuwelang question and answer portion.

Nanalong Ms. Bebot 2018 si Blaise, na wagi rin sa best in long gown at best in casual wear. Itinang­hal namang 1st runner si Kaizer na nag-uwi rin ng best in national costume award. Si Sean ang 2nd runner up, 3rd runner up si Marco, 4th runner up si Karl, at 5th runner up naman si Gabby. Lahat ay naaliw nang sobra sa Ms. Bebot 2018, lalo na ang manager nilang si Ms. Len.

“Sobra akong naaliw sa kanila,” nakangiting saad ng mabait na talent manager. Dagdag niya, “Well another challenge from them kasi alam naman ng lahat na straight sila as a men, kaya it took me awhile pra mapapayag sila. Kasi hirap sila maglakad nang naka-heels, kaya inaral muna nila. And super fun and enjoy, especially silang Clique V.

“I asked them after and sabi nilang lahat na super nag-enjoy sila. Kaya nakakabilib na nagpakita sila ng versatility nila.”

Ano ang masasabi niya kay Blaise? Puwede palang mapagkamalan siyang bading? Tugon ni Ms. Len,

“Hahaha! Super-ganda kasi ng bata. Well as long as alam nila sa sarili nila ang totoo, kung ano ang pagkatao nila same as sa mga nakakikilala talaga sa kanila, walang problema. Marami nga riyan, ‘di ba, lalaking-lalaki tingnan, pero sila pa pala ang hindi tunay,” nakatawang saad ni Ms. Len na idinagdag pang ipinakita lang ng Clique V kung gaano sila ka-talented talaga.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …