Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Goma, umamin: maiiyak ‘pag nag-asawa na si Juliana

LATELY, napansin naming bukod sa kanyang mga ginagawang proyekto sa Ormoc, walang laman ang mga social media accounts ni Mayor Richard Gomez kundi ang kanyang asawang si Congresswoman Lucy Torres Gomez. Nakatutuwang isipin na matapos ang maraming taon ng kanilang pagsasama ay para pa rin silang nagliligawan hanggang ngayon.

Aminado naman si Goma na marami siyang naging girlfriends in the past. Hindi naman niya maikakaila iyon eh, pero nang dumating na nga si Lucy sa kanyang buhay, talagang marami ang nabago at sinasabi nga niya, ”from the very start, alam ko si Lucy na nga iyon.”

Si Congresswoman Lucy, aminado naman na nag-aaral pa lang siya crush na niya si Mayor Goma, kaya nga noong magkasama sila sa isang ginawang commercial, naging vibes agad sila na nauwi na nga sa ligawan at sa kanilang naging pagpapakasal sa Ormoc mismo.

Kaya nga kung may ginagawa man si mayor sa telebisyon o sa pelikula, hanggang doon na lang iyon. Huwag na kayong aasa ng anumang romantic involvement ni Goma. Talagang all eyes na siya ngayon kay Lucy at sa kanilang anak na si Juliana.

Minsan nagkabiruan nga kami ni Goma, at nasabi niya minsan iyon ang kinatatakutan niya. Kailangan niyang bantayan nang husto ang kanyang anak na si Julianna. Wala ka namang magagawa dahil napakagandang bata at tiyak na maraming mag-aambisyong manligaw diyan pagdating ng panahon. Paano nga ba kung isang araw magsabi na lang ang kanyang anak na gusto na ring mag-asawa?

“Kapag iyon ang nangyari, palagay ko iiyak ako. Alam ko namang mangyayari talaga iyon pero hanggang maaari huwag muna dahil gusto kong buo pa rin ang pamilya namin at kami-kami lang muna ang nagmamahalan ng ganoon,” sabi pa ni Goma.

HATAWAN!
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …