Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sanya Lopez Jennylyn Mercado Dennis Trillo
Sanya Lopez Jennylyn Mercado Dennis Trillo

Sanya tiniyak, hindi siya pagseselosan ni Jen (sa intimate scenes nila ni Dennis)

TINIYAK ni Sanya Lopez na hindi siya pagseselosan ni Jennylyn Mercado kahit na may intimate scenes sila ni Dennis Trillo sa Cain At Abel.

“Actually for… ako po ha, personally, hindi naman po ako natatakot dahil I know na hindi naman ako pagseselosan ni Ate Jen, kasi alam ko po na malawak ‘yung pang-unawa ni Ate… ni Ms. Jennylyn Mercado, para pagselosan ako.

“So, naniniwala ako na hindi kami darating… hindi darating na magseselos talaga si Ate Jen sa akin,” says Sanya.

Kahit mapanood ni Jen ang kissing scene nila ni Dennis ay walang dahilan para mag­karoon ng selo­san.

“Siguro po maiintindihan naman niya lahat ng nangyayari, kasi I know Ate Jennlyn is a…well, best actress po siya for me, at isa siya sa mga hinahangaan ko, so I think maiintindihan niya ‘yung sitwasyon po talaga namin.”

Masuwerte siya na siya ang leading lady ni Dennis ngayon. ”Grabe! Sobrang… until now ‘yun nga po, na-a-amaze pa rin ako, na totoo ba ‘yung nangyayari sa akin ngayon?”

Bago ang Cain At Abel ay sa  Haplos  napanood si Sanya kasama si Rocco Nacino.

Magkaibigan pa rin sila ni Rocco at happy naman siya na lovelife si Rocco ngayon.

“Well, I know na po na mayroon siyang love life before pa.”

Walang karelasyon si Sanya, pero may mga nanliligaw ba sa kanya?

“Ngayon kasi hanggang kai-kaibigan lang muna, kung manligaw sila, manligaw sila, okay lang, pero hindi ko pa po iniisip na… tingnan natin kung sino ‘yung magtatagal at kayang mag-sacrifice for you, ‘di ba, kung sino ‘yung magiging patient.”

Umiwas naman si Sanya na i-reveal kung artista ang nanliligaw sa kanya ngayon.

Masaya naman ang nakatatandang kapatid ni Sanya na si Jak Roberto sa relasyon nito kay Barbie Forteza.

“Happy po ako sa kanya, at ang nakatutuwa kasi sa kanilang dalawa very barkada lang silang dalawa eh, so hindi ka ma-o-OP [out-of-place] ‘pag dumating ‘yung… kahit lagi akong third wheel,” at tumawa si Sanya.

Paano kung biglang magsabi ang dalawa na magpapakasal na ang mga ito?

“Eh ‘di go! Kung kaya ninyo na, kung kaya ninyo ng mabuhay dalawa, eh ‘di go!

“Pero kung hindi pa naman, enjoy-in ninyo muna, huwag muna kayong magmadali, kasi mas masaya na… ibang klase na ‘pag ikinasal na kayo, ibang buhay na ‘yun,” sinabi pa ni Sanya.

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …