Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, dream come true na makasama si Vic; pagiging metikuloso, ipinairal

DOON sa kanilang mga kuwento, mukhang pumasok nga ang mga bagong idea sa comedy, kasi ang kuwento ni Coco Martin, matapos na masigurong magkakasama sila ni Vic Sotto riyan sa pelikula nilang Jack Em Popoy, talagang tinawag niya agad ang mga nasa creative team nila, nag-usap sila at sinabi niyang kailangang isipin na nila ang pinakamagandang magagawa para sa proyektong iyon.

Eh kasi nga dream come true ang project para kay Coco. Naikuwento niyang mga bata pa sila, pagdating ng Pasko ay sama-sama ang kanilang buong pamilya sa panonood ng sine, at natural ang pinapasok nila ay pelikula ni bossing. Iyon naman kasi ang talagang hinahabol ng mga bata noong panahong bata pa si Coco, at hanggang ngayon naman. Kaya sinasabi rin niya na simula noong mag-artista siya, na hindi naman niya pinangarap dahil hindi naman niya alam na may talent siya, talagang ang nasa isip niya ay makasama sa isang pelikula si Vic Sotto.

Natural iyon eh, siya ang pinanonood nila. Nag-eenjoy sila sa panonood. Kaya iyon ang natanim sa isipan niya. Kaya nga tuwang-tuwa siya sa project na iyan. Sayang nga eh, kasi siguro kung inabot lang niya talaga si FPJ, baka gumawa rin sila ng pelikulang magkasama.

Sinasabi rin nila na sa pelikulang iyan, napaka-metikuloso ni Coco. Basta may nakita siyang mali kahit na kaunti, o nakita niyang mas mapapaganda pa, talagang ipinauulit niya ang eksena. Kasi sinasabi nga niya nangyari na iyan, hindi na siya sigurado kung kailan mauulit iyan. Kaya kailangang pagbutihin niya. Iyong goal kasi niya napakataas eh. Hindi niya iniisip ang ano man eh, ang iniisip niya masiyahan ang mga manonood ng kanilang pelikula, kagaya rin ng kasiyahan niya noon sa panonood ng sine na kasama ang kanyang buong pamilya.

Iyan kasing si Coco, dumating na iyong panahong hindi na lang siya isang artista eh. Film maker na siyang talaga ngayon, pero bata pa eh kaya lumalabas pa rin minsan ang kanyang pagiging fan. Iyan iyong klase ng artista at producer ng pelikula na tumatagal. Mahal kasi niya ang pelikula.

 

HATAWAN!
ni Ed de Leon

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …