Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

LJ, mas takot sa ikalawang beses na panganganak

MANGANGANAK na sa January 2019 si LJ Reyes at ayon sa kanya, mas takot siya ngayong manganganak siya for the second time kaysa noong unang ipinanganak si Aki, walong taon na ang nakalilipas.

Mas may nerbiyos siya ngayon kaysa huli siyang manganak kay Aki na anak niya sa rati niyang karelasyong si Paulo Avelino.

“Sabi nga nila five years…kunwari five years ang agwat parang first pregnancy uli ‘yun sa katawan ng babae, so medyo…actually noong kay Aki wala akong masyadong fear, ‘yung parang, ‘Bakit kayo natatakot na manganganak ako?’

“’Yung concerned na concerned ‘yung family mo, pero ikaw parang, ‘Bakit kayo natatakot?’

“Ngayon sabi ko, ‘Ah medyo nakakatakot pala, noh?’

“Kasi aware ka na sa pain, aware ka sa possible na mga puwedeng mangyari sa ‘yo medically, ganyan.

“But we are very excited, kahit si Aki, very excited, so talagang ‘yun, kahit na mayroong kaunting fear lang na parang sana…may mga wishes ka na like kunwari, sana normal pa rin, ganyan, sana walang maging problema, pero mas excited kami kaysa roon sa mga fear.”

Ano ang mga preparasyon niya para sa pagdating ng baby nila ni Paolo Contis?

“Nag-aano na ko, practice ng breathing,” at tumawa si LJ.

“Hindi, actually wala pa, medyo busy din kasi talaga, kasi ‘yun nga, si Pao sobrang busy, tapos lagi akong kasama,” ang muling tawa ni LJ.

“So, sumasabay din ‘yung mga renovation para sa kuwarto ng baby, so medyo busy talaga, so okay naman sa akin ‘yun, ‘yun nga lang parang sabi ko parang dumaan lang ‘yung pagbubuntis ko, malapit na rin ang January, tapos sumabay pa na dadaan ‘yung Pasko, so ‘yung time parang napakabilis talaga.”

Sa Pilipinas manganganak si LJ hindi tulad kay Aki na sa US dahil nakabase ang family niya roon.

Hindi rin makauuwi sa Pilipinas ang mommy ni LJ sa due date niya.

“Hindi nga, kasi kaka-open lang nila ng bar, eh! Si Mama at saka ‘yung kapatid ko, sila ‘yung nag-open ng bar, so hindi talaga nila maiiwan, kakabukas lang talaga sa New York.”

Magkasunod na nag-showing ang dalawang pelikula ni Paolo, una ang Through Night And Day at ngayong Miyerkoles, November 28 naman ang Ang Pangarap Kong Holdap.

“Natutuwa ako na ngayon very open na siya with it.”

Matagal hindi gumawa ng pelikula si Paolo.

“Oo. Siguro sabi ni God, ‘Siya na muna, ‘wag na muna ikaw’.

“Pero ‘yun nga, natutuwa ako kasi magaganda talaga ‘yung material na nakukuha niya at he deserves it naman talaga, dahil napaka-wide talaga ng range ng talent nitong taong ‘to. Sabi ko nga napakagaling niyong brain niya talaga, witty siya when it comes to comedy, tapos napakagaling niyang aktor pagdating sa drama.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …