Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ang mga nagsipagwagi sa JAMS Top Model 2018 kasama ang may-ari ng JAMS Artist Production na sina Maricar Moina at Jojo Flores.

JAMS Top Model winners, wish makapasok ng showbiz

LAHAT sa siyam na JAMS Top Model 2018 winners na iprinisinta sa amin kamakailan ng may-ari nitong sina Maricar Moina at Jojo Flores ay gustong makapasok sa showbiz.

Kaya naman nagpa­pasalamat sila sa pagkakasama at sa ginagawang pagsasanay sa kanila ng JAMS Artist Production para mahasa ang mga talentong mayroon sila.

Tulad nga ng kanilang pangako, “Transforming beauty with modesty.” Sinasanay nila ang mga alaga nila para maging isang magaling na modelo.

Ani Maricar, sasanayin nila ang kanilang mga alaga sa kanilang modeling career at lilibutin nila ang buong ‘Pinas para ipakita ang pagiging isang mabuti nilang ehemplo.

Kaya naman nagpapasalamat sila sa mga nagtitiwala para maiskatuparan ang adhikain gayundin sa mga nagbigay ng pagkakataon para tuparin ng mga kabataan ang kanilang pangarap.

Idinagdag pa ni Maricar, na ang mga nagsipagwagi sa kanilang patimpalak ay magiging ambassador ng mga business partner ng JAMS Top tulad ng Grovic Pharma Inc., Idara Wellness Lounge and Travellers Deal Inc., at iba pa.

Giit pa ni Maricar, nag-audition ang mga kabataang sumailalim sa kanilang patimpalak. ”Ipakita naming na kaya kami nag-screening para mas ma-upgrade. Binigyan naming sila ng chance na maging top model hindi lang sa paglalakad, overall pa. Gusto rin naming mabigyan sila ng chance na magkaroon sila ng iba’t ibang projects thru endorsement.”

Sinabi pa ni Maricar na sasailalim din ang siyam na nanalo sa JAMS Top Model 2018 na ginanap ang Grand Gala Night noong Nobyembre 19 sa MOA Arena, sa acting at singing workshop.

Ang siyam na nagwagi sa JAMS Top Model 2018 ay sina Mien Kloppers (Category 1 Grand Winner); Miguel Enrico Gochuico, (Category 2 Grand Winner); at Maharlika Aquino Santos, (Category 3 Grand Winner).

Ang category 1 ay may edad 6-9, samantalang ang category 2 ay 10-15, at ang category 3 naman ay 16-25.

Narito pa ang ibang nagsipagwagi:CATEGORY1—1st Runner up—Renzie liboon; 2nd Runner up—Liann Xndrah N. Gappi; CATEGORY2—1st Runner up—Ancient Tabora;  2nd Runner up—Alecsa Julie CangCATEGORY3—1st Runner Up—Sheina Fitzsimmons; 2nd Runner Up—Louise Cruz.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …