Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall herbal products

Kapag may FGO herbal products sa bahay panatag ang buhay

Dear Sis Fely Guy Ong,

Ako po si Sis Norietta A. Conwi.

Ako po ay sumulat sa inyo upang magpato­too sa mga produkto ninyong Krystal Herbal Oil, Nature Krystal Herb, B1B6 at Yellow Tablets.

Noong March 14, 2014 ang anak kong babae, 41 anyos, hindi namin inaasahan, hatinggabi bigla siya dumaing ng pananakit ng kanyang ulo, ang akala ko pangkaraniwan ang pananakit ng ulo niya.

Pero nang makita kong hawak-hawak niya ang kanyang ulo nag-aalala na ako. Ang ginawa ko kumuha ako ng Krystal Herbal Oil at hinaplos ko nang banayad ang kanyang batok ngunit habang hinahaplos ko ang kanyang batok nakita ko, ang kanyang bibig ay tumabingi na rin.

Ang ginawa ko hinaplos ko ng Krystal Herbal Oil ang kanyang bibig kasi tumitigas na talaga. Hinaplos ko sa mukha niya hindi ko tinigilan ang paglagay ko, nang medyo lumambot na ang bibig ng anak ko pinainom ko siya ng apat na B1B6 tapos pinainom ko rin ng Nature Krystal Herbs.

Tapos hindi siya makatayo at mahina ang buong katawan niya, ang ginawa ko hinaplosan ko ang buo niyang katawan ng Krystal Herbal Oil paulit-ulit. Hindi nagtagal nakapagsalita siya at dinala ko sa banyo. Alam po ninyo umihi siya, ang dami, pagkatapos doon palang sa banyo nakatayo na siya.

Nang gabi rin na iyon, dinala pa rin ng manu­gang ko sa ospital para mapa-check up, para raw makasigurado kung walang diperensiya ang utak ng anak ko.

Sa awa ng ating Panginoon, normal lahat ang resulta kaya ako nagpapatotoo sa inyo para roon sa mga nagkaganito ang mga nangyayari sa kanila. Huwag po tayo manghihina kailangan lakas ng loob at manalangin at higit sa lahat, dapat palagi tayo mayroon sa bahay ng mga produkto ng FGO, tulad ng Krystal Herbal Oil, Nature Krystall Herbs, B1B6 at Yellow Tablets.

Kasi itong panahon natin kapag sobrang init, gaya noong isang gabi, biglang naglagnat ang apo ko bago matulog. Okey naman wala naman kahit sinat. Nagulat na lang ako bandang 3:00 ng madaling araw, nahipo ko ang apo ko sa ulo, ang init.

Iyon pala 39 na ang lagnat. Ang ginawa ko ay pinainom ng Yellow tablets, 3 piraso parang nagdahilan lang wala pa isang oras pinag­pa­wisan na wala na ang lagnat hanggang kina­buka­san.

Salamat po sa mga produkto ng FGO para ka nang may doktor sa bahay at may hospital. Kaya ako palagi ako mayroon sa bahay, kasi hindi natin inaasahan ang mga pangyayari lalo sa hatinggabi.

Maraming, maraming salamat po sa mga produkto ninyong FGO.

God bless Sis Fely, bigyan po kayo ni Yaweh El Shadai nang mahabang buhay at malakas na katawan.

Pasensiya na po kayo sa patotoo.

Salamat po,
Sis Norietta Conwi

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Back to Basic
NATURE’s HEALING
ni Fely Guy Ong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Sogo Employee Returns Lost Cash P400,000

Hotel Sogo Employee Selflessly Returns Lost Cash Worth More Than P400,000

  QUEZON CITY, Philippines – A Hotel Sogo Santolan employee, Mr. Raymond Tobasco, discovered a …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …