BILANG isang dating guro, sasang-ayunan namin ang pananaw ni Kakai Bautista na pumalag sa pagtuturo ng Korean language sa kolehiyo pero ikokompromiso naman ng bagong program ng CHED ang pag-alis sa mga asignaturang Filipino at Panitikan (Philippine Literature) bilang core subjects.
Ani Kakai, oo nga’t tinatangkilik natin ang mga Korean telenovela, K-pop, Korean food at kung ano-ano pa, pero ibang usapan kung edukasyon ang pag-uusapan. Kaso, kinatigan na ng Korte Suprema ang hakbang na ito, na kung tutuusi’y noon pang June 2017 nais ipatupad sa mga pampublikong hay-iskul.
Totoong ang matuto ng foreign language other than English ay isang advantage, pero bakit kailangang isakripisyo ang mother tongue natin?
Katwiran ng CHED, kailangan kasing limitahan sa 36 units ang general education sa college curriculum.
Paano kaya kung nabubuhay pa sa kasalukuyang panahon si Jose Rizal o ‘di kaya’y ang Ama ng Wikang Pambansa?
Patay man sila, for sure, they’re turning in their grave.
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III