Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharon Cuneta Kiko Pangilinan
Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon, pipi sa banat ni Digong kay Kiko

MINSAN na naming naisulat na ramdam namin ang hirap ng kalooban ni Sharon Cuneta. Kung matagumpay siya sa kanyang propesyon bilang singer-actress, her indirect political involvement ay nagdudulot naman ng matinding sakit ng ulo sa kanya.

Kamakailan ay binanatan na naman ni Pangulong Digong Duterte ang kanyang mister, si Senator Kiko Pangilinan. Tinawag na “pinakabobong abogado” ng Pangulo ang Dilawang mambabatas kaugnay ng sablay nitong pagsasabatas ng Republic Act 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act.

Sa naturang batas, hindi maaaring patawan ng kaukulang kaparusahan ang mga minor offender, taliwas sa nais mangyari ng Presidente.

Kung pag-aaralan nga naman kasi ang kriminalidad sa bansa, pabata pa nga nang pabata ang mga sangkot sa iba’t ibang paglabag sa batas.

Sa pagtawag ni Duterte ng bobo kay Kiko, ano kaya ang biglang naramdaman ni Sharon? Asawa na kasi niya ang involved, katuwang niya sa buhay. Lalaking pinakasalan, entonces, minamahal.

Pero kaawa-awang Sharon. Mukhang wala siyang choice kundi sikmurain ang masasakit na salitang ‘yon mula sa bibig ng Pangulo, gayong kung mayroon unang-unang dapat magtanggol kay Kiko ay ang megastar ‘yon.

Isinasaalang-alang na lang marahil ni Sharon ang ilang factor, bagay na “hindi very Sharon” na kilalang prangka at may katuturan ang mga saloobin which she takes to her social media account.

For one, tumatakbo ang kanyang Kuya Chet na alam ng lahat na suportado ni Pangulong Duterte. Puwedeng labas ito sa isyu ng Pangulo laban kay Kiko (after all, magkaiba naman ang partido nina Chet at Kiko to begin with).

Kung nasasaktan man si Sharon (and for sure, she is) ay kinikimkim na lang niya ito. At the very least, baka sa silid-tulugan na lang nila ito pinagdidiskusyonan ni Kiko just before they sleep.

Sharon cannot be vocal about her ill feelings toward the President, lalo pa’t suportada rin ni Davao City Mayor Sarah Duterte si Chet.

Speaking of the Presidential Daughter.

Ipini-em sa amin ng aming kamag-aral din (kaeskuwela namin ni Chet) ang litrato showing the lady mayor raising Chet’s hand bilang pag-endoso at suporta. Chet is sandwiched by Sarah and Sharon.

Pero huwag ka, the next day, ang itinaas na kamay ni Sarah ay ang makakalaban ni Chet na incumbent Congresswoman ng Pasay.

Napaisip tuloy kami. Sa Davao City reelectionist si Sarah, so what is she doing in Pasay politics? Paghahanda ba ‘yon para sa isang pambansang puwesto?

Oo nga’t masugid na tagahanga ni Sarah ang Megastar, umabot na sa ganoong point na kahit hindi naman siya isang national figure ay inaasahang malaki ang kanyang magagawa para maipanalo ang kuya ng idol niya?

Eh, ‘di wow!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …