Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagka-maldita ng 2 aktres, nag-mellow na

NAOOEYAN ang madlang pipol sa drama ng dalawang sikat na aktresang itey na super close kuno ngayon, pero saan ka, may panahon noon na kinabubuwisitan nila ang isa’t isa.

Sey ng isang taga-showbiz: “Naku, magtigil nga sila sa kae-emote sa social media na kunwari, eh, concerned sila sa isa’t isa, ‘no! Ang sabihin mo, pareho lang silang emotera!”

Tandang-tanda pa kasi ng aming source ang eksena noong sabay silang mag-guest sa isang talk show, “Mga nineties ‘yon, pareho silang guests. Promo guesting ‘yon na para nga naman hindi boring, eh, hinaluan ng isyu.”

Aware naman daw ang isa sa kanila na ‘yung isa ay tagahanga niya noong wala pa ito sa showbiz, “Fan kasi ‘yung isa roon ng loveteam niyong isa. Pero huwag ka, kung makatitig nang masama ‘yung bigger star sa kanila, eh, ganoon na lang. Dagger looks ang tawag doon, ‘di ba, ‘yun bang para kang sasaksakin sa tingin lang?”

Siyempre, masyonda na ang dalawang aktres. Kahit sinong taong nagkakaedad ay nagme-mellow ang ugaling pagkamaldita.

“Hmp! Mellow-mellow ka riyan! Ang sabihin mo, nagpaplastikan lang ‘yung dalawang hitad na ‘yon!” giit ng aming katsika.

Isyogo na lang natin sila sa alyas na Sharmaine Urdaneta at Verna Aquitana.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …