Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aldub Alden Richards Maine Mendoza
Aldub Alden Richards Maine Mendoza

Alden, nanindigan: ‘Di pa buwag ang AlDub!

NGAYONG Biyernes, November 16, magtatapos ang pinagbibidahang primetime series ni Alden Richards, ang Victor Magtanggol.

Dahil sa AlDub, naging maingat na si Alden sa mga nakakapareha niyang aktres dahil kadalasan, nakatatanggap din ng pangba-bash ang mga ito.

Ngayon ba ay mas bukas na siyang makapareha ang iba pang Kapuso actress?

“Opo, kasi po it’s work, trabaho po ‘yun,” saad ni Alden.

“Hindi ko po aalisin, especially ang industriya natin ngayon, since nag-start naman po ako, I’ve been paired with a lot of leading ladies.

“So, until now po, ganoon pa rin naman.”

Flattering pa rin ba sa kanya kapag naririnig o nalalaman niyang gusto siyang makapareha o makasama ng ibang artista, bago man o datihan na?

“Opo naman,” bulalas ni Alden. ”As much as they’re excited na makatrabaho ako, ganoon din po ako sa kanila.”

Sa tanong kung totoo na wala na ang AlDub nila ni Maine Mendoza”Hindi po totoo! Buhay na buhay pa rin ang AlDub. AlDub is still here.

“Iyon pong loveteam namin ni Maine wala pong tumapos niyan. Nandoon pa po ang possibility to have projects together, to have shows together.

“It’s just that ngayon po, nandoon kami sa exploring individually, iyon lang po gusto kong sabihin hindi pa po tapos ang AlDub. Kasi ang dami ko pong nababasa may nag-give up dahil wala na raw, hindi po totoo, nandito pa po kami, huwag kayong mag-alala.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …