Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Macoy Mendoza
Macoy Mendoza

Macoy Mendoza, excited nang magkaroon ng single

EXCITED na ang newbie singer na si Macoy Mendoza sa paglabas ng kanyang first single. Ang title nito ay Pwede Kaya at ayon sa 18-year old na si Macoy, ito ay isang ballad na love song na pang-masa ang dating.

Pahayag ni Macoy, “Isa po (siyang) love song na sa tingin ko po ay papatok para sa lahat, kasi relatable po ang (kanyang) lyrics na puwede sa lahat na edad, pang masa po (siya).

“Sa ngayon po we are working sa aking first ever single, but we still don’t know kung kailan ang exact date na ire-release ito. Also, magkaka­roon po kami ng concert sa December 14, kasama ang mga kapatid ko kay nanay Jobert Sucaldito (na sina Kiel Alo at PrimaDiva Billy).”

Ano pa wish na mangyari sa kanyang career? “My wish is not very different from most of the artist out there po, at ito ay magkaroon ng successful na career po!”

Dream ba niya talagang maging recording artist noong bata pa? Ano ang message niya sa manager niya at sa mga taong tumutulong sa kanyang career?

“Actually three years ago ko lang nalaman na marunong talaga ako kumanta at gawing pangha­bang buhay itong ginagawa ko noong patuloy akong pinush ng mga taong sumusuporta sa akin, kaya laking pasasalamat ko sa kanila.

“I will be forever grateful sa kanila sa pagtitiwala sa akin at sa aking kakayahan, sa aking manager na si Nay Maine Nieto, sa mga magulang ko na si daddy Ignacio Mendoza at mommy Chona Mendoza, at also sa na­nay kong si Nay Jobert Sucal­dito, at tito Allan K.

“The kindness and pagma­malasakit at pagpu-push sa akin to be a recording artist ay patuloy na mananatili sa aking puso habang buhay. Thankful po ako sa kanilang lahat,” saad ni Ma­coy.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Alma Concepcion, nalungkot  sa sexual harassment sa Miss Earth

Alma Concepcion, nalungkot sa sexual harassment sa Miss Earth

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …