Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
ArDub Maine Mendoza Arjo Atayde

Maine, kakaiba ngayon ang aura

UNFAIR para kay Arjo Atayde na paratangang manloloko at manggagamit ng ilang netizens just because malapit sila ngayon ni Maine Mendoza.

Just we thought na nai-spare si Arjo from the social media bashings kompara kay Maine ay nasa receiving end din pala ang aktor.

Ilang beses na kasing sighted sina Arjo at Maine sa mga bar, bagay na puwedeng pag-isipan that there’s more to their closeness. What else, eh, ‘di magjowa na nga!

Balitang may magandang girlfriend si Arjo, kaya tila tinu-two-time niya ito. Taliwas naman ito sa ipinost ni Ria, kapatid ni Arjo, na single ang aktor.

Kilalang man of few words si Arjo. Never naman kasi siyang nagkuwento ng tungkol sa kanyang lovelife.

For all we know, the mere fact that he’s dating Maine only means one thing: split na sila ng sinasabing nobya niya. Therefore, malaya siya.(Yes, kinompirma na ng actor na matagal na silang hiwalay ng nabalitang GF—ED).

Off para sa amin ang akusasyon na ginagamit lang niya si Maine. Ito ang hirap kapag mas sikat ang isa kaysa “partner.”

The less popular between the two ang lagi na lang napagbibintangang manggagamit. Teka, in the affairs of the heart, may puwang ba ang gamitan?

Sa paanong paraan ginagamit ni Arjo si Maine? Sikat si Maine, naroon na tayo. Pero sa tanggapin man o hindi ng kanyang mga tagahanga, hindi na ganoon kaningning ang kanyang bituin kompara two or so years ago sa kasagsagan ng AlDub phenomenal loveteam.

Kung makapagsalita naman ang ibang netizens, as if so-so actor lang na maituturing si Arjo. Eh, hindi naman.

Kung mismong kay Ria galing na certified bachelor ang kanyang kapatid, that should put the issue to rest. Kung siya ang dapat paniwalaan, then walang isyu tungkol sa pangangaliwa ni Arjo.

Wala ring isyu tungkol sa sinasabing kalandian ni Maine as she’s also single and very much available.

At dahil we’re talking of two people who are both free to love (and be loved), entonces, walang puwang ang masakit na salitang “gamitan” o “panggagamit” on either party.

Bakit kasi hindi na lang tayo maging masaya para kina Arjo at Maine? Why impose on them kung ano ang dapat o hindi dapat nilang gawin?

Looking back, ‘yan ang ipinagsisintir noon ni Maine sa kanyang open letter. Limitado kasi ang kanyang mga kilos, and this made her unhappy.

Kabaligtaran ‘yon sa kanyang aura ngayon. Hay, what love can do nga naman.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …