Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vice Ganda Regine Velasquez

Valentine concert nina Regine at Vice, kasado na!

PASABOG ang Valentine concert nina Regine Velasquez at Vice Ganda next year!

Magaganap sa February 15 at 16 sa Araneta Coliseum, dalawang taon na  itong pinaplano, ayon mismo kay Regine.

“Matagal na talaga. But because we’re from different networks made it very hard to, you know, put it together.

“Like, ‘yung mga past collaboration ko, if you notice, hindi naipalalabas sa TV. Sayang! Sayang,” sinabi ni Regine.

“Kasi nga, lahat sila, taga-ABS! Ako lang ang taga-GMA that time. “Sabi ko, ‘Ang hirap naman…’

“‘Tapos, noong… I’ve been wanting to work with Vice, parang it was getting harder and harder to ano, para mangyari, alam mo ‘yun?

“And… ganoon talaga! Ganoon talaga ‘yun, eh! So, ako… talagang in-accept ko na lang na it was never gonna happen.

“The project would never gonna happen.

“But now, since I’m already a Kapamilya, there are many possibilities na.”

Biruan pa nga, sila ni Vice ang magka-Valentine sa 2019.

“Yeah. ‘Ika nga niya, iiwan ko muna ang dyowa kong si Ogie Alcasid, at iiwan din niya ‘yung dyowa niya…”

Sino ba ang dyowa ni Vice?

“Hindi ko alam,” ang tawa ng tawang sagot ni Regine.

“Malihim ‘yun!”

Samantala, totoong masaya si Regine na mataas ang rating ng Sunday PinaSaya.

“Like I said doon sa Instagram ko, I really ‘am happy for ‘Sunday PinaSaya.’ I’m happy for them.

“You know, mayroong network war. I don’t know why that is but we are still happy for each other kasi magkakakilala kami lahat.

“Kahit ano pang sabihin ng ibang tao outside our business, our industry, we actually know each other.”

Hindi siya plastik nang sabihin niyang masaya siya para sa Sunday PinaSaya.

“Hindi porke’t sinabi ko na kino-congratulate ko sila dahil mataas ang rating nila, pina-plastik ko sila.

“It’s actually because I know all of them and I really ‘am happy for them. Kilala ko ‘yung director, lahat sila.

“Hindi ‘yun pamamlastik. I’m happy for them na mataas ang rating nila,” sinabi pa ng Asia’s Songbird.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …