Si Ian Monteverde, raw ang nagpapasaya ngayon sa puso ni Dovie San Andres at nabighani ang controversial personality sa dance videos na ipinapadala sa kanya ni Ian na isang indie actor at fire dancer.
Ito nga raw ang male version ni Rachel Lobangco pagdating sa pagsasayaw ng sensuwal. May mga oras na nalulungkot si Dovie at nagpapasalamat siya at may katulad ni Ian na binibigyan siya ng importansiya.
Kaya sa ipo-produce niyang indie movie ay gustong isama ni Dovie si Ian sa cast at bibigyan raw niya ng magandang role.
“Feeling ko kasi ay siya ‘yung Knight in shining armour ko na kaya akong ipagtanggol sa basher ko at sa lahat. Mahilig rin akong sumayaw kaya ‘yan ang isa sa nagugustohan ko kay Ian, na sinusuportahan niya kung ano ang gusto ko sa buhay.”
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma