Sunday , November 3 2024
freedom of information FOI
freedom of information FOI

Transparency ng Pasig City LGU pinatunayan sa ipinasang FOI Ordinance

DAPAT tularan ng ibang local government units (LGUs) sa bansa ang ipinasang ordinansa ng Pasig City — ito ang Ordinance No. 37 o ang “Pasig Transparency Mechanism Ordinance.”

Mas kilala natin ito sa tawag na freedom of information (FOI) na pinaniniwalaang makatutulong nang malaki upang maging transparent ang isang pamahalaan at mailayo sa ‘demonyong korupsiyon’ ang mga government official.

At upang tunay na maihatid sa mamamayan ang pondo at serbisyo mula rin sa buwis ng mamamayan. Kung sakali, ang Pasig City ang unang magiging halimbawa ng implementasyon ng FOI sa ilalim ng prinsipyong “mula sa masa para sa masa.”

Dahil ang pananalapi ng gobyerno ay mula sa buwis ng mga mamamayan, naturalmente na mayroong karapatan ang taxpayer na uriratin kung saan ito ginagastos ng pamahalaan.

Sa ilalim ng Ordinance No. 37 (Pasig Transparency Mechanism Ordinance) nagbuo ang LGU ng mekanismo kung paano maisasapubliko ang mga financial documents ganoon din ang mga kontrata.

Ibig sabihin, kung hindi umuusad ang isang pagawaing bayan, mabubusisi na ng mga mamamayan kung bakit. Malalaman na rin kung mayroong nagsa­samantalang kontratista kasabwat ang government officials.

Ang nasabing ordinansa ay inihain ni Councilor Vico Sotto noong Hunyo, at naaprobahan sa ikatlong pagbasa nitong nakaraang buwan.

Magiging epektibo ito, 15 araw matapos ang publi­kasyon.

Sa ilalim ng nasabing ordinansa, ang lahat ng mamamayan ay may karapatang makita, masuri at makakuha ng kopya ng public records.

Maaari rin nila itong ilathala at ipamahagi.

Kahit sinong humiling o gustong magkaroon ng kopya ng dokumento ay hindi na kailangan magdeklara ng rason kung bakit kailangan nila o bakit sila intere­sado.

Sa loob ng 10 araw, tutugunan ng city government ang hinihiling na dokumento. Ipapasa ito sa information officer na itatalaga ng Pasig mayor.

Bawat departamento, ay magtatalaga ng deputy information officer na makikipag-ug­nayan sa in­formation officer upang maipag­kalo­ob ang hinihiling na dokumento mula sa kanila.

Mayroong parusa ang bawat government officials o employees na mabibigong ipagkaloob ang hini­hinging dokumento. Sa unang paglabag ay mahigpit na paaalalahanan.

Sa ikalawang paglabag ay papatawan ng 30-araw na suspensiyon habang sa ikatlong paglabag ay maaaring magresulta sa pagkakatanggal sa serbisyo.

Sa bahagi ng may-akdang si Konsehal Vico, masayang-masaya siya, dahil noong 2005 pa niya ito pinagsisikapang maging ordinansa.

Sabi nga ni Konsehal Vico, “The important part now is to watch its implementation, because it would be useless if it is not fully implemented. We need people to test the mechanism.”

Kompara sa isinusulong na FOI sa Kongreso, ‘di hamak na mas mabilis itong tinutukan ni Konsehal Vico.

Ang FOI sa Kongreso, kung hindi tayo nagkakamali ay noong panahon pang pangulo ang ngayo’y Speaker of the House Gloria Macapagal Arroyo.

Sa ilalim naman ng  administrasyon ni dating pangulong Noynoy, sinabi niyang priority bill niya ito, pero hanggang sa huling sandali ng kanyang pamumuno, hindi nailuwal angbatas sa FOI.

At sa dalawang administrasyon, parehong si Rep. Ben Evardone ang nakatutok diyan bilang chairman ng Committee on Public Information sa Kamara.

Pero halos isang dekada na ang nakalipas, hayun nakatengga pa rin ang FOI sa Kongreso.

Anyare?!

Nauna pa ang Pasig City!

Tatlong taon na lang ang natitira sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte, pero hanggang ngayon, nakatengga pa rin ang FOI.

Ang tanong: Dapat pa bang ipagkatiwala kay Evardone ang pagsusulong ng FOI sa Kamara?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap


Usad-pagong rehab ng Kalibo Int’L Airport (ATTENTION: DOTr Sec. Arthur Tugade)
Usad-pagong rehab ng Kalibo Int’L Airport (ATTENTION: DOTr Sec. Arthur Tugade)

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *