Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Derrick Monasterio Sanya Lopez Wild and Free
Derrick Monasterio Sanya Lopez Wild and Free

Sanya Lopez, nagpasilip ng alindog sa Wild and Free

IBABALANDRA ni Sanya Lopez ang kanyang alindog at kaseksihan sa pelikulang Wild and Free na hatid ng Regal Entertainment. Ang hunk at guwapong si Derrick Monas­terio ang leading man dito ni Sanya.

Bukod pa sa kaseksihan nina Sanya at Derrick, kaa­bang-abang din ang maiin­it na love scenes dito ng dalawa.  Esplika ni Sanya, “Mahirap ‘yung scene, kasi masikip sa loob ng car. Pero ini­handa ko na ang sarili ko rito, gustong gusto ko ‘yung natu­tuto ako and nag-i-im­prove.

“Okay ako kay Der­rick kahit a­nong gawin at pag-usapan namin. Kahit dirty talks I can discuss with him be­cause we are both naughty, we are both wild and free. Matagal na kaming magkakilala at mas nag­ka­kilala pa kami.”

Paano siya nakombinse na gawin ang daring na project na tulad ng Wild and Free?

Sagot ni Sanya, “Nakomb­inse po ako, kasi bilang isang artista, maganda na ginagam­panan mo iyong isang bagay… lalo na kung maganda ‘yung istorya at magaling naman ang director. Nandiyan iyong director namin para i-guide kami at i-motivate kami sa lahat ng ginagawa namin, hindi naman kami pinabayaan…

“At least naggo-grow ako bilang actress,” sambit pa niya.

Since virgin pa siya at no boyfriend since birth, hindi ba siya nag-hesitate sa mga daring at sexy scenes niya rito? “Noong umpisa, hindi naman po maii­wasan iyon, Pero pinag-aaralan po kung paano ako hindi maghe-hesitate. At kapag kasama ko naman si Derrick, sobrang gentleman niya, inire-respct niya talaga ako at saka kampante na kasi kami talaga sa isa’t isa, e.”

Tuloy-tuloy na ba siya sa pagpapa-sexy sa pelikula? “Hindi ko po talaga masabi pa sa ngayon, pero nakadepende po kasi ako talaga sa ganda ng istorya.”

Kaya ba niyang higitan pa sa susunod na project niya ang mga ginawa niya rito?

“Kapag handa na po ako, kung mayroon mga eksena na medyo matindi, pag-aaralan ko muna po siguro. Depende pa rin po, hindi ko pa po muna masabi sa ngayon,” nakangiting wika niya.

Ang Wild and Free ay mula sa pamamahala ni Direk Connie S.A. Macatuno. Tampok din dito sina Ashley Ortega at Juancho Trivino, at mapapanood na ito sa mga sinehan sa October 10.

Para sa iba pang updates, follow Regal Entertainment Inc sa Facebook, @RegalFilms sa Twitter, @RegalFilms50 sa IG at Regal Cinema channel sa YouTube.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …