Friday , November 22 2024
Navotas City may bagong dump trucks
Navotas City may bagong dump trucks

Navotas City may bagong dump trucks

DALAWANG dump truck ang binili ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas at pinabasbasan noong Lunes ng umaga.  Kayang humakot ng nasabing mga truck ng 8.8 cubic meters ng basura.

Sinabi ni Mayor John Rey Tiangco, kailangan ang dagdag na mga truck para maging episyente ang pangongolekta ng basura ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO).

Sa kasalukuyan, may 13 dump trucks na ang lungsod na nangongolekta ng mga basurang patapon mula sa 18 barangay.

Mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon, nakakolekta ang CENRO ng 147,224.61 cubic meters ng basura, 97,940.80 cubic meters nito ay dinala sa Navotas sanitary landfill. Ang iba ay iniresiklo o ginawang compost.

Ang Navotas ang nag-iisang lungsod sa Metro Manila na may sariling landfill. Noong 2017, kumita ang pamahalaang lokal nang hindi kukulangin sa P30 milyon sa tipping fees.

Noong nakaraang linggo, lumahok ang Navotas sa Waste Assessment and Brand Audit, na pinangunahan ng Mother Earth Foundation, na naglalayong ituro sa mga Navoteño ang halaga ng pagbubukod ng mga basura sa bahay.

May memorandum of agreement ang Navotas sa Mother Earth para sa implementasyon ng Ecological Solid Waste Management Program.

Nakipag-partner din ang lungsod sa Caritas Kalo­okan at Catholic Relief Services para maisagawa ang Municipal Waste Recycling Program sa apat na mga barangay, kabilang na ang Daanghari, San Jose, San Roque at Tangos South.  (JUN DAVID)

About Jun David

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *