Marami na kaming napanood na stage play pero masasabi naming isa sa pinakamaganda at most expensive local play itong pinagbibidahang “MButterfly” ng actor-businessman na owner ng FRONTROW na si RS Francisco.
Sa movie pa lang niyang “Sibak” noong 90s ay hinangaan na namin. At hanep at habang pinapanood namin si RS sa entablado ng BFF naming si Pete Ampoloquio, panay ang bulungan namin sa sobrang paghanga sa pagganap ni RS bilang si Song Liling, isang Chinese opera singer na kinainlaban nang husto ng French Diplomat (Rene Gallimard).
Sobrang swabe ang pagbibitiw ng dialogue ni RS na hindi mo pagdududahan ang pagpapanggap na babae at lalaking-lalaki naman sa ending. Kung ilang beses siyang nagpalit ng outfit rito na sabi ay more than P1 million daw ang ginastos ng production para sa damit ng bidang actor at ng kanyang co-actors sa M Butterfly. Itinuturing ni RS na fulfillment sa kanyang showbiz career at malaking achievement ang magampanan ang character ni Song Liling.
“Dream ko talaga na mai-restage siya. Song Liling is such a complex character. It’s a role to die for. It’s very challenging at dream role ng sinomang actor,” sey ni RS.
Bahagi rin ng play sina Olivier Borten, Norm Mc Leod, Lee O’Brian, Rebecca Chuaunso, Pinky Amador, at Maya Encilla directed by Kanakan Balintagos.
By the way, buong September mapapanood ang M Butterfly na dinudumog ang bawat palabas sa Maybank Performing Arts Theatre sa BCG.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma