MATAPANG at walang takot na nagtanggal ng saplot si RS Francisco sa pinagbibidahang play, ang M Butterfly. At kahit nagawa na niya ito 28 years ago ay lagi pa ring kinakabog ang kanyang dibdib.
Anito, ”Alam mo, honestly, parati kaming nagre-rehearse, hindi ako nakahubad.”
“Tapos, kanina, noong nagme-make-up na ako, sabi ko, ‘Alam mo, ngayon ko lang na-realize, maghuhubad pala ako today. Kaya ko pa ba? So, tomorrow, at sa isang bukas, maraming artistang manonood. Ewan ko kung paano ako maghuhubad.
“Siyempre, may nginig pa rin! May takot! tapos, sabi ni junior, tut-tut-tut-tut-tut-tut-tut-tut!, siyempre, nakakatakot, eh! Ikaw ba naman ang maghubad sa maraming tao!
“Alam mo, even before noong ginawa ko, the first few days, kinakabahan ako,after a week or two na paggagawa, and then we went on tour before, sanay na sanay na ako.
“’Pag nagpo-frontal na ako, naglalakad na ako on stage and all. Ngayon lang, medyo kinabahan pa talaga ako! Siyempre, it’s not every day that you get to strip in front of four, five hundred people,” giit pa nito.
MATABIL
ni John Fontanilla