Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Fifth Solomon Alex Gonzaga Jerald Napoles Joj Agpangan Nakalimutan Ko Nang Kalimutan
Fifth Solomon Alex Gonzaga Jerald Napoles Joj Agpangan Nakalimutan Ko Nang Kalimutan

Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka, hugot movie ng taon

MULA sa pagiging member ng Boy Banda (Dance Squad Singers) at  pagpasok sa Bahay ni Kuya and later on ay sa pag-arte sa telebisyon at pelikula, pinasok na rin ni Fifth Solomon ang pagdi­dire­he sa pelikula.

Ipa­lal­a­bas na sa Septem­ber 19 ang kauna-unahang pelikula ni Fifth, ang Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka na pinagbibidahan nina Alex Gonzaga at Vin Abrenica kabituin sina Candy Pangilinan, Jayson Gainza, Loisa Andalio, Alora Sasam, Joj at Jai Agpangan, Ricci Chan, Juan Miguel Severo, Keiko Necesario, at Jerald Napoles.

Maituturing na Hugot movie ng taon ang NKNKK base na rin sa rami ng mga hugot lines sa trailer pa lang kaya naman tiyak maraming Pinoy ang makare-relate.

Ginagampanan ni Alex ang role ni Jaz na nag-fail d ang relationship at mas piniling mag-road trip kasama ng kanyang bestfriend na ginagampanan ni Jeraldpara makalimot.

Tsika ni Fifth, “It’s about ‘yung uso ngayon, ‘yung mga hugot-hugot. Mga hugot siya about forgetting someone you truly love, kung nakalilimutan mo ba talaga ang totoong pag-ibig, ang first love, ganyan.

“Actually hugot ko siya sa buhay ko ha ha ha, kasi na broken hearted din ako before. Mayroon akong dating idine-date tapos ‘yung sobrang na-in-love ka tapos sobrang attached ka hindi mo alam kung makalilimutan mo pa ‘yung tao.

“’Yung konsepto namin parang kung mayroong klinika na naghuhugot ng puso para mahugot na rin ‘yung sakit at saka makalimutan mo lahat ng sakit, kung may ganoon ba papahugot mo ba ‘yung puso moParang ganoon,” pagtatapos ni Fifth.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …