READ: Regine Tolentino, sobrang thankful sa 3 nominasyon sa Star Awards for Music
NAGPAHAYAG ng panibagong pasabog na akusasyon si Kathy Dupaya kay Joel Cruz, may-ari ng Aficionado. Ipinahayag ng Brunei-based businesswoman sa ilang miyembro ng entertainment media sa ipinatawag nitong presscon kahapon sa kanyang opisina sa Taguig City ang natuklasan niya ukol sa businessman.
Sa binasang statement ni Dupaya, sinabi niyang hindi nagdedeklara ng tamang tax ang Lord of Scent kaya naman may P6.4-B tax liability daw ito.
Sinabi pa ni Dupaya na tax evader umano ang Aficionado owner.
“Hindi pa rito kasama ang sinasabi niyang international sales sa Hong Kong, Singapore, Malaysia, Brunei at iba pa. At alam n’yo ba na ang total na binayaran lamang ng Central Affirmative Co., Inc., (CACI), kompanya ni Cruz, sa loob ng 10 taon ay P14,807,987.19. Kaya pala ganoon siya kayaman,” sambit ni Dupaya sabay panawagan kay BIR Commissioner Cesar Dulay na tingnan ang bagay na ito.
Ayon pa sa ginawa nilang research, ang state of the art factory ni Cruz, ang Sterling Industrial Park na nasa Meycauayan, Bulacan ay hindi rin daw rehistrado sa BIR.
Maging ang Forest Lodge Hotel ni Cruz sa Baguio ay may salaysay rin si Dupaya.
“Ang mansion ni Joel ay ginawang tourist spot sa Baguio na bago ka makapasok sa loob at mag-tour ay kailangang bumili ng pabango worth P250, parang entrance pero walang receipt na ibinibigay. Sa loob ng mansion, may hotel ito na ang pangalan ay Forest Lodge Camp John Hay at si Joel Cruz ang may-ari. Mahal ang per day, P8,900.00, pero walang resibo,” sabi ni Kathy.
Nanawagan din si Dupaya kay Pangulong Rodrigo Duterte. “Presidente Duterte, ito ang hinahanap mong tax evader. Billion-billion ang nawawala sa (P)ilipinas dahil sa tax evader na kagaya ni Joel Cruz. Commissioner Dulay, ikaw na ang bahala kay Joel Cruz,” saad ni Dupaya.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio