Monday , December 23 2024

27 ‘invisible’ barangays sa Maynila, iimbestigahan

PAIIMBESTIGAHAN daw ni Department of Interior and Local Govern­ment (DILG) acting Sec. Eduar­do Año ang 27 non-existent o multong mga barangay sa Maynila.

Sabi ni Año, wala raw sasantohin ang DILG pero kailangan lang daw nila ng datos at impormasyon para sa isasagawang im­bes­tigasyon.

Kung sinsero talaga si Año at desididong imbestigahan ang 27 ‘invisible’ barangays na ikinokolekta ng Real Property Tax (RPT) share sa kaban ng Maynila ay walang kahirap-hirap niyang makukuha ang mga opisyal na dokumento sa Commission on Audit (COA).

Mismong COA ang nakadiskubre sa 27 invisible barangays na  nabulgar sa kanilang inilabas na 2017 audit report.

Ayon sa COA 2017 audit report, 896 lang ang kabuuang bilang ng barangay sa buong Maynila pero umaabot sa 923 ang mga barangay na tumatanggap ng RPT shares.

Umabot daw sa P1.374 billion RPT shares ang balanse na hanggang ngayon ay hindi pa naipamamahagi ng City Hall sa 896 lehitimong barangay sa Maynila – P480.12-million para sa last quarter ng 2016 at P893.951 million para sa first at second quarters ng 2017.

Sabi ng COA, P108.733 million RPT shares ang napunta sa 27 non-existent na invisible/ghost barangays sa Maynila kaya’t hindi naipapamahagi ang pondo sa 896 lehitimong mga barangay.

Ang 27 non-existent invisible/ghost bara­ngays ang dahilan kung bakit lumiliit at nababa­wasan ang RPT shares ng mga lehitimong barangay, ayon sa COA:

“Consequently, the RPT shares allocated to the 27 non-existent barangays resulted in the understatement of the corresponding shares that should be distributed to only 896 barangays of the City.”

Sabi ng COA, labag sa batas ang anomang pagkaantala sa pamamahagi ng 30-percent RPT shares sa bawat barangay na nasasaad sa Section 271(d) of RA 7160.

Ultimo mga opisyal na dapat kasuhan sa malaking katiwalian na ito ay madaling matutunton dahil tinutukoy sa 2017 COA audit report ang mga sangkot na opisina sa Manila City Hall.

Kompleto ang detalye sa inilabas na 2017 COA audit report at pagsasampa na lang ng kaukulang kaso ang obligasyon na dapat gawin ni Año at ng DILG.

Mismong COA din ang nagrekomenda ng imbestigasyon kaya’t aksiyon na lang po n’yo ang kulang, Sec. Año!

 

MAY BALAK BA SI TOPACIO

NA PASUKUIN SI PETER LIM?

HINAHANTING na raw ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) ang Cebu-based suspected drug lord na si Peter Lim kasunod ng warrant of arrest na inilabas ng Makati Regional Trial Court.

Umaapela sa publiko ang PNP na ipagbigay-alam sa kanila ang anomang impormasyon sa ikadarakip ni Lim.

Walang makapagsabi kung si Lim ay nakatakas na palabas ng bansa bago pa naipag-utos ng hukuman na ilagay ang kanyang pangalan sa hold departure order (HDO) ng Bureau of Immigration (BI).

Pero mas interesado ang marami na malaman kung tutugon ang pangahas na abogadong si Ferdinand Topacio sa panawagan ng PNP para sa ikadarakip ni Lim – sa lalong madaling panahon.

‘Di hamak na mas mabigat na atraso kasi ang dapat panagutan ni Lim sa batas kompara sa naibasurang kaso ng “Makabayan 4” kamakailan na ipinangilak pa mandin ni Topacio ng milyones na bounty o pabuyang pondo.

Siguradong mahihirapan ang PNP at NBI sa hinihinging kooperasyon ng publiko dahil sa mga kabaro rin nila ay nasa bulsa ni Lim.

Mas marami siguro ang magkakainteres tumugon sa apela ng PNP kung maglalaan ng pa­bu­ya na pantapat sa pera ni Lim.

Wala kayanng balak si Topacio na pasukuin si Lim at idonasyon ang nalikom niyang P4-M na ‘di nagamit laban sa Makabayan 4 at ilaan na lang na pabuya sa sinomang makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ni Lim?

Aber!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *