BINAWIAN ng buhay ang isang 4-buwan gulang sanggol na babae na sinabing inihagis ng sariling tatay na noo’y lasing at mainit ang ulo sa Silay City, Negros Occidental, kamakalawa.
Ayon sa ulat, sinabing namatay ang sanggol dahil sa sugat sa ulo nang tumama sa haligi ng bahay at nahulog sa sahig.
Kinilala ang amang suspek na si Marjohn Cusay, na umuwing lasing at galit dahil kulang ang ibinayad sa kawayan na kaniyang idini-deliver, ayon sa pulisya. Sinasabing napag-initan ni Cusay ang sanggol na umiiyak noon kaya inihagis niya sa kinakasama.
Umamin ang ama sa krimen at humihingi ng tawad sa pamilya.