Monday , December 23 2024

Customs Commissioner Lapeña, mabuhay ka!

SI Bureau of Customs (BoC) Commissioner Isidro Lapena ay maituturing na isang ‘bayaning tagapagligtas.’

Noon pa man ay magaling at napakasipag talaga niya bilang public servant.

Sa rami ng naipahuli niyang kriminal, drug syndicate, illegal drugs ay talagang mapapa­hanga tayo sa kanyang nagawa.

Kaya naman marami ang bilib kay Gen. Lape­ña.

Nitong nakaraang araw ay nakahuli na naman sila ng napakalaking shipment ng shabu sa loob ng warehouse sa MICP.

Maagap talaga ang MICP sa pangunguna ni District Collector Vener Baquiran.

Sa pagsiyasat nila sa inabandonang container na kasama ang Intelligence Group sa pangunguna ni Depcom. Dick Quinto ay nakita nila na may posilibidad na ang laman ng bilog na bakal ay shabu.

Kaya naman nagsama-sama sa operasyon ang Bureau of Customs at Philippine Drug Enforce­ment Agency na nagwasak ng dalawang magnetic scrap lifter na isa sa pinakamalaking shipment ng droga sa kasaysayan ng bansa sa Manila International Container Port.

Nakita ang halos 500 kilos ng methamphe­tamine hydrochloride, o shabu na nakatago sa dalawang magnetic scrap lifter na nagkaka­halaga ng P4.3 bilyon.

Ayon sa report ni MICP District Collector Vener Baquiran na siyang nagbigay ng order para pigilan ang pagpapalabas ng kargamento sa pier.

Sa paunang imbestigasyon ay nagpakita na ang kargamento ay sa Vecaba Trading ng No. 712 Galicia St., Sampaloc, Maynila na idinekla­rang naglalaman ng mga frame ng pinto.

Sa rekord ang nasabing kompanya ay pag-aari ng isang Vedasto Cabral Baraquel at ang consignee ay hindi rehistrado sa Bureau of Customs.

Good job Bureau of Customs!

Mabuhay ka Comm. Lapeña, isa kang tunay na serbisyo publiko!

Keep up the good work BoC!

PAREHAS
ni Jimmy Salgado

About Jimmy Salgado

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *