Monday , December 23 2024

Carry on, Gen. Guillermo Eleazar!

BUONG-SIKAP na ginagawa ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Di­rector Chief Supt. Guillermo Eleazar ang lahat para magampanan ang kanyang tungkulin na maipatupad ang batas.

Si Gen. Eleazar ang pinakamasipag na opisyal ng Philippine National Police (PNP) kaya’t siya rin sa nga­yon ang may pina­ka­maraming accomplish­ments pagdating sa sinserong kampanya ng pamahalaan laban sa kriminalidad.

Kaya naman sulit ang ipinasusuweldo ng mamamayan sa mga tulad ni Gen. Eleazar kapalit ng dedikasyon sa pagtupad ng tungkulin bilang matino at mahusay na PNP official.

Sinisikap din ni Gen. Eleazar na malipol ang mga scalawag na nagsisilbing anay at bukbok na sumisira sa PNP.

Nitong Sabado, ipinag-utos ni Gen. Eleazar ang pagsibak kay Senior Supt. Dionisio Bartolome sa puwesto bilang hepe ng Muntinlupa City Police Station.

Ito ay matapos maisagawa ng Regional Special Operations Unit (RSOU) ng NCRPO ang entrapment operations laban sa walong tauhan ni Bartolome na pawang nakatalaga sa Station Drugs Enforcement Unit (SDEU).

Apat sa walo na nagkulong sa mismong opisina ng SDEU ang naaresto, habang apat pa nilang kasamahan ang nakatakas.

Ang mga naaresto ay sina SPO1 Psylo Joe Jimenez, PO3 Romeo Par, PO2 Farvy de la Cruz and PO1 Jon-Jon Averion.

Nagawa namang matakasan nina SPO1 Edgardo Zervoulakos, PO3 Charlie Miranda, PO3 Roderick Salvador at Senior Insp. Mark Kevin Pesigan, hepe ng SEDU, ang mga tauhan ng RSOU-NCRPO.

Bukod sa kidnapping, robbery at extortion ay posibleng madagdagan pa ng ibang mga kaso na kakaharapin ang mga damuhong alipores ni Bartolome.

Bandang 11:30 ng tanghali noong Biyernes, pinasok ng walong hindoropot na pulis ang isang bahay sa Barangay Tunasan.

Inaresto nila ang 33-taon gulang na babae at anak na lalaki dahil sa umano ay pag-iingat ng ilegal na droga.

Pero ang talagang sadya pala ng mga wa­langhiyang pulis ay pagnanakaw matapos nilang tangayin ang nadatnang pera sa pinasok nilang bahay, mga alahas, mga cellphone, isang television set, at isang laptop.

Hindi pa nakontento ang akyat-bahay na pulis sa mga sinamsam na ari-arian ng kanilang mga biktima, humirit pa sila ng halagang P400,000 na ransom para sa kalayaan ng mag-ina.

Dumulog ang live-in partner ng babae sa tanggapan ni Gen. Eleazar, agad ikinasa at isinagawa ng RSOU-NCRPO ang paglusob sa lo­ob mismo ng Muntinlupa Police Station para maaresto ang mga ‘hulidap cops.’

Nang madakip ang ‘8 dorobo cops,’ ikinaila pa ang ginawang pagnanakaw pero ang maha­halagang bagay (walong cellphones, ID cards, P25,000 cash at isang pitaka na may isang sachet ng umano’y shabu) ay pawang natag­puan at nabawi sa nakaparadang kotse ng pulis na si Dela Cruz sa labas ng Muntinlupa Police Station.

Natagpuan naman ang mag-inang biktima sa isang gym, kalapit lamang ng tanggapan ng SEDU sa ikaapat na palapag din ng Muntinlupa Police Station.

Mas magiging kapani-paniwala ngayon na tinaniman lang ng ebidensiya ang babae at ang a­nak nito dahil mas mabibigat ang krimen ng 8 pu­lis.

Si Gen. Eleazar mismo ang nagsabing ilegal at hindi lehitimo ang ginawang operation ng mga pulis ng Muntinlupa SEDU, aniya:

“They failed to present the necessary documents to support the lawful arrest of the victim, including spot reports, coordination papers with the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) and a laboratory examination request to the Crime Laboratory to confirm if the recovered evidence were illegal drugs.”

Kailan pa ginagawa ito ng SEDU ng mga scalawag na pulis sa Muntinlupa?

Hindi kaya ‘tanim-droga’ ang lakad ng walo sa pangunguna ng kanilang mga opisyal sa SEDU at Muntinlupa PNP?

Payo natin, sana ay subukang ipaimbentaryo ni Gen. Eleazar ang mga dating kaso sa illegal drugs operations na naunang naisagawa ng SEDU at Muntinlupa police sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Kudos, Gen. Eleazar!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *