Friday , November 15 2024

May hustisya sa pusa; Disbarment vs Topacio?

NAGING maamo ang hustisya sa isang nila­lang na walang-awang pinagpapalo sa ulo hanggang sa mapatay ng apat na kalalakihan noong nakaraang taon sa lungsod ng Pasay.

Pitong buwan la­mang tumagal ang kaso mula nang mapatay nina John Vincent Tenoria, Avelino Vito Jr., Wesley C. Torres at Jomar Estrada ang biktima.

Ibinaba ni Judge Joeven Dellosa ng Pasay City Metropolitan Trial Court (MTC) Branch 47 ang hatol na “guilty beyond reasonable doubt” laban sa 4  akusadong binasahan ng sakdal nito lamang buwan ng Abril.

Tanging ang kuha ng CCTV na naging viral sa social media ang iprinesentang saksi bilang ebidensiya sa mabilis na pag-usad at pagkakalutas ng kaso at karumal-dumal na pagpa­tay na naganap bandang alas-2:00 ng madaling-araw noong September 5, 2017 sa isang eskinita ng kalye Dolores, Barangay 66, Zone 8, Pasay.

Alam n’yo ba kung bakit mabilis na naka­pagpasiya ang hukuman?

Wala na kasing oral arguments at delaying tactics na kung ano-ano pang motion-motion na pampatagal para desisyunan ang kaso.

Ang biktima kasi ay hindi tao… kung ‘di isang pusa, as in, cat!

Si Anna Cabrera, executive director ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS), isang samahan na nagmamalasakit sa karapatan ng mga hayop, ang nagsilbing complainant.

Hindi kaya si Cabrera ang mas nababagay italaga sa Commission on Human Rights (CHR) kaysa mga dati at kasalukuyang opisyal na hanggang ngayon ay walang maipagmamalaking napatunayan sa karapatang-pantao?

‘Buti pa pala sa pusa ay gumagana ang “right to speedy trial” kaya’t mabilis na naigawad ng hukuman ang hatol laban sa mga salarin.

Kompara sa pusa, ang Sandiganbayan – gamit na “template” ang katagang “inordinate delay” – ay kalimitang inaabsuwelto ang mga gumagawa ng krimen laban sa mamamayan.

Hindi pa ‘yan, ilang taon nang hindi umuusad ang kaso ng mga Ampatuan sa Maguindanao Massacre at pagpatay sa mga mamamahayag.

Gano’n din ang kaso laban kay dating Palawan Gov. Joel Reyes at kapatid na itinurong mastermind sa pagpatay sa isang dating brodkaster na si Doc Gerry Ortega.

Tiyak na kaiinggitan ng mga naulilang pamilya ang katarungan na natamo ng pusa dahil sa ngayon, ang hustisya ay mas maamo sa hayop kaysa sa tao.

SARILING KLIYENTE
NADIIN KAY TOPACIO

IBINASURA marahil ng Judicial and Bar Council (JBC) ang padalang liham at paninira ng abogadong si Ferdinand Topacio laban kay Atty. Edna Batacan, isa sa mga kandidatong pumalit sa babakantehing puwesto ni Conchita Carpio-Morales na magreretiro ngayong Hulyo.

Habang walang ebidensiya na ipinakikita si Topacio ay paninirang maituturing ang kanyang mga pinakawalang paratang sa media laban kay Batacan.

Kung totoo ang sinasabi ni Topacio na hindi nagbabalik ng halagang P8-M sa kanyang kliyente si Batacan, bakit hindi niya ito kinasuhan noon?

Hindi ba maliwanag na unethical sa propesyon ng mga abogado ang pakikialam ni Topacio sa kasunduan nina Batacan at ng kanyang dating kliyente na ngayon ay may kaso sa Sandigan­bayan?

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

 

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *