Dear Sis Fely Guy Ong,
Ako po si Sis Felida E. Pascual, taga-San Vicente, Sto. Tomas Batangas.
Ang ipapatotoo ko po ay tungkol sa paggamit ng Iola Buena ko ng mga produktong Krystall. Gaya ng Krystall Herbal oil, Krystall yellow tablet, nature herbs, kidney pills, kidney stone, at Fungus.
December 2014 po nang magkasakit ang Iola ko, 83 years old na po siya. Masakit daw ang balakang niya, at tiyan. Ang findings sa laboratory ay may bato sa bato at bato sa kidney. Sabi ko sa mga auntie ko, mas maganda mag-Krystall herbal na lang si Iola, pero sabi ng mga auntie ko, may gamot na raw si Iola, reseta ng Dra. niya.
Gustong-gusto ko po na mapainom ng fungus si Iola kaso hindi ko kayang suportahan kasi wala naman akong trabaho, ang Bro. husband ko lang, kaya ang nabili ko lang na gamot ni Iola ay isang bote ng Krystall bladder stone. Hindi na nadagdagan, na dapat sana ay tuloy-tuloy hanggang dalawang buwan, sabi sa akin ng herbalist sa Alabang branch.
March 2015, sinumpong uli ng sakit si Iola, nanginginig daw po at nilalagnat, nag-text ang auntie ko. Ang sabi malala na si Iola mo, isinugod sa ospital, na confine. Ang findings lumaki ang mga bato at nagkabukol na pati sa atay, may dugo pa ang ihi. UTl tinanong ang auntie ko ng Dra., kung lahat ba ng anak ni Iola ay nandito, ang sabi ng auntie ko, nasa Masbate po ang bunso, 3 lang ang nandito.
Ang ibig pong sabihin ng Dra., wala nang pag-asa. Kasi pain reliever na lang ang ibinigay kapag sinumpong ang sakit na nararamdaman ni Iola. Ang UTI naman gumaling dahil tinurukan ng antibiotic. Pero ang bukol sa atay at mga bato, wala na raw gamot kasi matanda na si Iola, ‘di na raw kakayanin ng katawan kapag inopera.
Habang nasa ospital po si Iola, nagdasal ako kay Yaweh EL SHADDAl, sabi ko Lord, pagalingin mo po ang Iola ko, dugtungan mo pa ang buhay niya.
Kailangan ko na talagang makabili ng gamot na Krystall lalo na ang fungus dahil may bukol na ang atay ni Iola, pero wala po akong pambili, hindi naman naniniwala ang mga auntie ko na malaki ang maitutulong ng Krystall sa sakit ni Iola.
Naisipan kong manghiram ng pera sa pinsan kong seaman, at salamat sa Diyos, hindi siya nagdalawang isip, pinahiram ako ng P10k. Binili ko kaagad ng mga produktong Krystall sa Farmers Plaza Cubao at inihatid naming mag-asawa sa Bulacan dahil nandoon ang Iola ko.
Itinuro ko sa auntie ko ang lahat ng procedure ng pagpapainom kay Iola ng gamot na Krystall at nasunod naman lahat kaya after 24 hours pa lang may pagbabago nang naramdaman si Iola. Nag-text ang auntie ko, nakadumi si Iola, 3x, maitim daw, at kusa ang paglabas hindi gaya noon na pinipilit pa para lang lumabas. Nabawasan na rin daw ang tigas ng tiyan ni Iola.
After 3 days po na pag-inom niya ng mga Krystall herbal, may nakapa daw si Iola na bato nang maghuhugas na siya pagkatapos dumumi. Hindi na raw masakit ang balakang niya, hindi na mahapdi ang balat niya kapag hinahaplos, pati pag-ikot ng mata niya, dati raw masakit, normal na ang pagdumi niya.
Sabi ng auntie kong isa na nasa Masbate hindi na raw bingi si Iola kapag kausap sa cellphone, dati raw sumisigaw na siya para lang marinig ni Iola ang sinasabi niya.
Bumalik po ang Iola ko sa Dra niya noong April 2, dahil may schedule siya at nagtaka ang Dra niya, magaling na raw, kaya vitamin na lang ang inireseta sa kanya at December pa uli ang balik niya sa Dra niya.
Ngayon po nakabibiyahe na si Iola, mula Bulacan papunta sa isa ko pang auntie sa Cavite. Humanga po ang mga auntie ko sa mga gamot ng FGO. Mula noon naniwala na sila. Hanggang ngayon po umiinom pa rin si Iola ng Fungus, binawasan na lang, dati 4 caps 3x a day, ngayon 2 caps na lang, at umiinom na rin si Iola ng Krystall Vit. B1 B6.
Maraming salamat po Sis Fely, nawa’y lalo pa kayong bigyan ng karunungan ni Yaweh EL SHADDAI na makatuklas ng mga gamot sa iba’t ibang karamdaman ng tao.
Salamat din po at nadugtungan pa ang buhay ng Iola ko.
Salamat Yaweh EL SHADDAI. AMEN.
SIS FELIDA E. PASCUAL
Sto. Tomas, Batangas
Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.