Monday , December 23 2024

Notorious sa kahangalan at kapalpakan ang PCOO

KESEHODANG maya’t maya nilang igawa ng kahihiyan ang Palasyo ay sadya yata talaga na balewala lang kay Sec. Martin Andanar at sa mga hangal na tauhan niya sa Presidential Com­munications Operations Office (PCOO) na ga­wing bisyo ang pagka­kalat ng katangahan.

Si Sen. Sherwin Gatchalian ang pina­ka­huling biktima ng PCOO na notorious sa pagkakalat ng fake news at mga dispalinghadong impormasyon sa social media.

Pati si Gatchalian na kasalukuyang senador ay bininyagan ng opisina ni Andanar ng bagong pangalan si Gatchalian sa official FB page ng PCOO noong June 13.

Imbes Sherwin, minasaker ng mga damuhong ogag na tauhan ni Andanar sa PCOO ang pangalan ng senador at ginawang “Winston” ang kanyang first name.

Maatim pa ba ng PCOO na ikatwirang “typo” lang ang maling paglalathala sa pangalan ni Gatchalian sa socmed?

Patanong na reksiyon naman ni Gatchalian sa kanyang post sa social media: “May pag-asa pa ba ang PCOO?”

Halos ganyan din ang ating sinabi sa nakaraan nating kolum, na kumbaga sa karamdaman ay isang epidemya na kumakalat ang katangahan sa PCOO.

At kung nagkataon pala na ang kahangalan ay isang uri ng nakamamatay na karamdaman, tiyak na araw-araw may pinaglalamayan sa PCOO.

Hindi sana gaanong nakapanghihinayang ang napakalaking pondo ng bayan kung nabibili sa tindahan ang utak na lubhang kailangan ngayon ng mga tanga at batugan sa PCOO at iba pang mga tanggapan ng pamahalaan.

Maliwanag na ‘yan ay ebidensiya na ang PCOO at mga tanggapan sa ilalim nito ay isang malaking kahihiyan sa wastong paghahatid ng komunikasyon sa publiko, kung ‘di man sa paggamit ng social media.

Kaya’t mas bagay na itawag sa PCOO ay PMOO, as in, Presidential Mis-communications Operations Office, dahil sa paghahatid lang ng mga maling impormasyon sila magaling.

‘Di ba ang mga tulad nila sa PCOO na walang pagpapahalaga sa propriety o kawastohan ay tinatawag din na bastos?

REAKSIYON
SA GABUNDOK
NA BASURA
SA MAYNILA

SPARE REEVES: ”Erap Para Sa Basura. Kayo na Ang Humusga.”

***

ASH UY: ”Maski sa Bacood puro basura sa mga kanto.”

***

RJ RIVERA: “SaLamin ng isang Lungsod ang mayor, Ka Percy. Kung basura ang mayor, siguradong magiging mukhang basura rin ang Lungsod.”

***

AUDI TAGOCHI: ”May pera sa basura tama nga. Pero ito naman ang sasabihin ko, kay Erap ang pera, sa mga taga-Maynila ang basura!”

***

ZENY C: ”Totoo ‘yan kapatid Percy. Who is in charge sa kalinisan ng Maynila?

***

ROD RJ: ”BaKa may sipon si bigote kaya d naaamoy.”

***

LEX REYES: “Mahigit kalahating bilyon ang binabayaran sa paghakot ng basura. Pero tila hindi na naghahakot.”

***

GERRY GRAD:  “Hahaha! Ngayon wala nang basura sa Maynila kasi malakas ang ulan, doon lahat sa Manila Bay ang bagsak ng basura.”

***

MELANIE ALEJO: “Kasalanan ninyo ‘yan, bakit binoboto si Erap.”

***

BING RUIZ: “Ang baho ng Manila, grabe!”

***

LITO ALCANTARA: ”Erap para sa Mahirap! Sige magdusa kayong mahihirap.”

***

BEL: ”Wala pang traffic enforcers sa mga major intersections at nagtambak mga trailer trucks along P. Burgos. What is happening to our city?”

***

GERALDINE D. ECKER: “True, Sir Percy Lapid. Just yesterday I was at Manila at nakakadismaya ang tanawin sobra! Napintasan na ng asawa ko yan na Dutch national nang magpunta kami ng City Hall. Mismo siya nagsabi dirty and polluted daw ang Manila. Ipinagtanggol ko pa n’ung una. Pero kahapon, santisima! Nakakaloka! Halos lahat ng lugar mula Quiapo, Lawton, Taft, Osmeña puro may mga basura kaya kahapon traffic sa Taft dahil baha at daming basura! Walang kwenta namumuno d’yan sa Manila, dapat palitan na!”

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *