MALAPIT na sigurong magkabati, kundi man maging malapit uli sa isa’t isa, ang magkapatid na Gretchen Barretto at Claudine Barretto. Ang isang ebidensya ay: nagpalitrato si Claudine sa isang event na kasama ang anak ni Gretchen na si Dominique Cojuangco. Si Dominique mismo ang nag-post sa kanyang Instagram [@dominique] kamakailan ng mga litrato nilang magtiyahin. (Si Dominique ay anak ni Gretchen sa live-in partner n’yang bilyonaryo na si Tonyboy Cojuangco.)
Maraming netizens ang natuwa dahil parang ‘yon ang kauna-unahang litrato ng magtiyahin. Mukhang kuha para sa isang local magazine ang larawan.
Simpleng “Mega” lang ang inilagay ni Dominique na caption sa mga larawan, at pinadalhan n’ya ng kopya si Claudine.
A similar set of pictures were shared by Claudine on her page, which she captioned with “My heart,” before tagging Dominique as well.
Mga limang taon nang ‘di magkasundo sina Claudine at Gretchen. Pero dahil sa mga litratong ‘yon, may mga umaasang magiging malapit na ulit ang magkapatid, pati na sa iba pa nilang mga kapatid, halimbawa’y si Marge Barretto na ina ni Julia Barretto.
KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas