Monday , December 23 2024

Sa Ombudsman ay graft buster ang dapat, hindi ‘graft booster’

BURADO na raw ang pangalan ni Department of Labor and Employ­ment (DOLE) Sec. Silvestre Bello III sa listahan ng mga posi­b-leng kapalit ni Ombuds­man Conchita Carpio-Morales na magreretiro sa susunod na buwan.

Hindi pasado si Bello bilang nominado at dis­kuwalipikado rin na ma­italaga sa inaasintang puwesto dahil sa mga kasong kriminal at ad­ministratibo na kanyang kinakaharap sa Ombudsman, sabi ng Judicial and Bar Council (JBC) na sumasala sa mga kandidatong maitalaga sa judiciary.

Ayon sa JBC, sa Section 5 of Rule 4 ay nasasaad na:

“Those with pending criminal or regular administrative cases are disqualified from being nominated for appointment to any judicial post or as Ombudsman or Deputy Ombudsman.”

Sa legal na termino, maliwanag na si Bello ay disqualified ab initio hindi lamang bilang nominado kung ‘di labag sa batas na maitalagang Ombuds­man.

Pero ang appointment ng mga tulad ni Bello sa Ombudsman ay pinakaaasam na mangyari ng mga opisyal sa pamahalaan para madaling mapalusutan ang mga kaso ng pag-abuso sa tungkulin, lalo ang pagnanakaw at pandarambong sa kuwarta ng mamamayan.

Pero sigurado tayo na maraming dorobo rin ang pumapalatak pa at nagsabing sayang naman matapos mabalitang diskuwalipikado pala si Bello.

‘Di ba graft buster ang Ombudsman at hindi “graft booster?”

Hehehe!

 

PERFECT BA SI CAYETANO
KAYA’T MISMANAGEMENT
SA DFA SA IBA ISINISISI?

MARAMI pa raw diplomats sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang hanggang ngayon ay ayaw tumalima sa polisiya ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte, ayon kay Sec. Alan Peter Cayetano.

Inakusahan ni Cayetano ang diplomats na umano ay patuloy na tumatangging sumunod sa polisiya na, aniya:

“I know a lot of you who have doubts and have a hard time following this [policy]. For those of you who continue to have doubts and refuse to follow, it’s not yet too late.”

Bago maghanap ng ibang sisisihin si Cayetano sa mismanagement sa DFA ay dapat munang humarap sa salamin at tanungin ang sarili kung may sapat siyang kakayahan na pamunuan ang kagawaran.

Lisanin na lang ni Cayetano ang DFA, kaysa naman idamay pa ang polisiya ng pangulo sa kanyang mga kapalpakan.

 

PANAGUTIN ANG LGU
SA ‘DI NAIPATUTUPAD
NA MGA ORDINANSA

BAKIT pati ang pagpapatupad sa mga ordi­nansa na tungkulin ng local executives ay kinailangan pang manggaling sa pangulo?

Sa charter ng mga lungsod, pangunahing tung­kulin ng mga alkalde na tiyakin ang imple­mentasyon ng mga ordinansa na ipinasa ng kon­seho.

Ang mga lungsod sa Metro Manila ay may mga dati nang ordinansa na nagpaparusa sa mga nag-iinuman at naglalakad sa kalsada na walang suot na damit pang-itaas na ang pagpapatupad ay tahasang binabalewala ng local executives.

Bukod diyan, may hiwalay na ordinansa na ipinagbabawal din maging ang pagsisilbi ng alak at mga nakalalasing na inumin sa mga lugar na may distansiyang 200 meter radius ang layo mula sa mga simbahan at paaralan.

Halimbawa, sa kalye Adriatico at Remedios sa Malate, Maynila, pati ang kalsada para sa mga sasakyan ay sakop na ng mga pipitsuging bar na may inuman, karamihan ay isang hakbang lang ang distansiya sa pader ng Malate Catholic School at ng simbahan.

Namumulaklak sa dami ang mga inuman sa Malate dahil sa laki ng “tong” na iniaakyat sa Manila Police District (MPD) mula sa mga bar na nabigyan pa ng lisensiya ng City Hall kahit labag sa ordinansa.

Habang ang Department of Interior and Local Government (DILG) ay walang ginagawa na kasuhan at patawan ng parusa ang mga local executives na tahasang lumalabag sa kanilang mandato na ipatupad ang mga ordinansa.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *