Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Clique V at Belladonas walang talo-talo

NABIBIGYAN ng kulay ang samahan  ng  Belladonnas sa all-male group na Clique V dahil pareho silang hawak  ng 3:16 Events & Talent Management na  ang Presidente ay  si  Len Carillo.

Malapit sila sa isa’t isa pero  bawal na magligawan. Mahigpit na regulasyon na magkakapatid lang ang dapat na turingan.

Masunurin naman ang mga bagets dahil ayaw din nilang masita at maparusahan ng kanilang manager. Hindi rin nila pinangarap na matsugi sa grupo kaya walang talo-talo sa kanila. Career muna ang dapat atupagin.

Samantala, ang laki ng improvement ng Clique V nang makita naming mag-perform sa birthday party ng mga anak ng Lord of Scents na si Joel Cruz sa Tagaytay. Class silang mag-perform at hindi putso-putso. Puwedeng-puwede na talagang pakawalan  ang nine members na kinabibilangan nina Sean, Marco,   Rocky, Karl,  Clay,  Timmy Blaize, Kaizer, at Josh.

Ang Belladonas naman  ay binubuo nina Quinn,  Chloe, Rie, Xie, Jazzy, Stiff, at Phoebe . Kamakailan ay nagbakasyon sila sa Vietnam na nagpasabog sila ng kaseksihan sa yate habang nasa Ha Long Bay.

Havey ang kanilang  music video para sa kantang Enjoy and Ride na isinulat ni Blanktape. May aabangan ding bagong  music video  na kinunan sa  Clark, Pampanga na idinirehe naman ni Buboy Tan.

Nagsu-shooting na rin ngayon  ang Belladonnas at  Clique V ng isang advocacy film na idinirehe rin ni Tan.

(RFC)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …