Friday , December 27 2024

Buti nga kay Koko

SA wakas napalitan na rin ang liderato ng Senado, nang tuluyang sibakin sa pagkapangulo ng 15 senador si Koko Pimentel at palitan ng dating majority leader na si Senador Tito Sotto.

Ayaw man tukuyin ng mga senador na isang coup d’etat ang nangyari, iisa lang ang naglalaro sa isip ng taongbayan: sinibak talaga sa puwesto si Pimentel kasi nga parang wala siyang “balls” bilang kanilang lider.

Ilang beses na bang nalagay sa alanganin ang Senado? Kung ilang ulit ininsulto ng mga palalong miyembro ng Kamara na pinangungunahan ng kanilang hambog na Speaker na si Pantaleon “Bebot” Alvarez. Hindi ba’t minsan niyang tinawag ang Senado bilang “Mabagal na Kapulungan ng Kongreso?” 

Naringgan ba nating umalma si Pimentel sa mga pang-iinsultong ito? Nakita ba natin siyang ipinagtanggol ang Senado bilang isang institusyon. Wala!

Bagamat naniniwala tayo sa diplomasya at lahat ay maaaring madaan sa mabuting pakikipag-usap, ngunit hindi ibig sabihin nito ay hindi ka lalaban, hindi ito nangangahulugan na dapat ka nang manahimik at dedmahin ang mga banat sa institusyong kinabibilangan mo.

Hindi kailangan ng Senado ang duwag na lider na takot bumangga kanino man. At lalong hindi kailangan ng Senado ang isang pinuno na sunud-sunuran sa kapritso ng mga lider ng partidong kanyang kinabibilangan.

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *